Makati Mayor Abby Binay, ‘pag tumakbong alkalde ng Taguig, Cayetano tagilid
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Enero 20, 2024
SEN. BONG GO MAY MALASAKIT TALAGA SA PHILHEALTH MEMBERS, KAYA NANAWAGAN KAY P-BBM NA I-STOP ANG CONTRIBUTION HIKE NITO -- Suportado ni Sen. Bong Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, ang panawagan ni Health Sec. Ted Herbosa kay Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na huwag nang ituloy ang PhilHealth contribution hike dahil marami pa rin sa ating mga kababayan ang dumaranas ng kahirapan sa bansa.
Buti pa si Sen. Bong Go, nagpapakita ng malasakit sa mga PhilHealth member, pero ang ibang senador, dedma lang sa PhilHealth contribution hike, tsk!
◘◘◘
KUNG PAGBABASEHAN ANG MGA SURVEY, LOVE PA RIN NG MAJORITY PINOY SI EX-P-DUTERTE -- Base sa survey ng Tangere firm para sa senatoriables sa 2025 election ay nag-top si ex-P-Duterte, at noong Dec. 12, 2023 sa survey naman ng Publicus Asia ay top din ang dating presidente sa senatorial survey.
Ibig sabihin n’yan, sa kabila ng mga samu’t saring paninira ng mga anti-Duterte politician sa ex-president ay ipinakikita sa mga survey na ito na love pa rin ng majority Pinoy si ex-P-Duterte, period!
◘◘◘
SEN. LAPID HUWAG MASYADONG MAGPOKUS SA ‘BATANG QUIAPO’ AT DAPAT MAGPAKITANG-GILAS SA SENADO PARA HINDI SIYA MALAGLAG SA TOP 12 SA PAGKASENADOR -- Sa survey ng Publicus Asia ay hindi pumasok sa top 12 si Sen. Lito Lapid, at sa survey ng Tangere firm, pang-rank 12 lang siya.
Dapat magpakitang-gilas sa Senado si Sen. Lapid, kasi kung magpopokus siya sa role niya sa teleseryeng “Batang Quiapo” kaysa pagiging senador ay baka malaglag siya sa mga pasok na 12 senador sa 2025 senatorial election, boom!
◘◘◘
KAPAG TUMAKBONG ALKALDE NG TAGUIG CITY SI MAKATI MAYOR ABBY BINAY, BAKA D’YAN NA UNANG MAKATIKIM NG TALO ANG CAYETANO -- Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na sa buwan daw ng Marso 2025 mag-aanunsyo kung tatakbo siyang alkalde sa Taguig City para labanan sa pagka-mayor si Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Kapag nagdesisyon si Mayora Abby na tumakbong alkalde sa Taguig City, tatagilid si Mayora Lani kasi tiyak na ang mga botanteng residente ng sampung barangay sa Makati City na nailipat sa pamamahala ng Taguig City ay siguradong si Mayora Abby ang susuportahan, at kapag ang pamilya Tinga na karibal sa pulitika ng mga Cayetano ay sa Binay sumuporta, malamang d’yan na unang makakatikim ng talo sa Taguig ang Cayetano, abangan!





Comments