Makati court naglabas ng arrest warrant laban kay Leviste

by BRT @News | October 7, 2026

Photo: Courtesy Leandro Leviste / FB
Naglabas ng warrant of arrest ang Makati Regional Trial Court (RTC) laban kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste dahil sa umano’y paglabag sa Public Service Act.
Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) ang warrant nitong Miyerkules. Inilabas ito ng Makati RTC Branch 235 noong Oktubre 5.
Itinakda ng korte sa P72,000 ang piyansa ni Leviste.
Ayon sa mga ulat, nasa France si Leviste kasama ang kanyang ina na si Sen. Loren Legarda, na nagpapagamot doon.
Wala pang ibinigay na karagdagang detalye ang NBI tungkol sa kaso.





Comments