El Niño posibleng magpataas ng singil sa kuryente, magdulot ng brownout

by BRT @News | October 7, 2026

Photo: File
Posibleng tumaas ang singil sa kuryente at magkaroon ng mas maraming power outage dahil sa epekto ng super El Niño, ayon kay Energy Secretary Sharon Garin.
Ayon kay Garin, maaaring tumaas ang demand sa kuryente dahil sa matinding init. Maaari ring maapektuhan ang power supply dahil sa pagkatuyo ng mga ilog na ginagamit ng hydroelectric plants, habang bumababa rin ang efficiency ng ilang power plants kapag sobrang init.
Sinabi ng Department of Energy (DOE) na nakikipag-ugnayan ito sa Energy Regulatory Commission upang matiyak na hindi sasamantalahin ng mga power supplier ang sitwasyon.
Hinimok naman ni Garin ang publiko na magtipid sa kuryente, kabilang ang pagpatay ng ilaw at pag-unplug ng mga kagamitang hindi ginagamit.
Samantala, nasa 106 lungsod at munisipalidad na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Aabot na sa 388,375 katao o 104,149 pamilya ang apektado ng phenomenon, habang umabot na sa P6.87 bilyon ang pinsala sa agrikultura.





Comments