Maj. Sinas, bagong PNP chief
- BULGAR

- Nov 9, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | November 9, 2020

Itinalaga na bilang Philippine National Police (PNP) Chief si Metro Manila Police Chief Major General Debold Sinas ngayong Lunes, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Si Sinas ang hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ika-25 chief sa 200,000 police force at papalit kay Gen. Camilo Cascolan na nakatakdang magretiro sa Martes dahil naabot na ang mandatory retirement age.
Naging direktor ng Central Visayas Regional Police Office sa Cebu City si Sinas noong July 2018 hanggang January ngayong taon bago ito itinalaga bilang head ng National Capital Region (NCR) Police Officer.
Nakatakda namang maabot ni Sinas ang mandatory retirement age na 56 sa May 2021.








Comments