top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Mainit sa liderato ang Suns at Heat; Porzingis, pinagmulta

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 28, 2022
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 28, 2022





Inalagaan ng Phoenix Suns at Miami Heat ang hawak sa liderato ng Western at Eastern Conference ng NBA matapos ang mga hiwalay na panalo kahapon. Umulit ang Suns sa Utah Jazz, 105-97, habang tagumpay ang Heat sa New York Knicks, 110-96.


Sinamantala ng Phoenix ang pagkakataon na kulang ang Utah para sa 43 puntos ni Devin Booker at tinulungan ni Chris Paul na may 21 puntos para sa 38-9 panalo-talo.


Sinubukan kargahin ni Gilas Pilipinas Jordan Clarkson ang Utah sa 26 puntos mula sa anim na 3-points subalit malaking puwang ang nilikha ng pagliban ng mga All-Star Donovan Mitchell at Rudy Gobert.


Dominado ng Heat ni kabayan Coach Erik Spoelstra ang Knicks sa buong 48 minuto.


Apat na Miami ang bumanat ng 20 na sina Duncan Robinson na may 25, Jimmy Butler sa 22, Tyler Herro na may 21 at PJ Tucker na may 20.


Kalahating laro lang ang agwat ng Heat sa Chicago Bulls na nanaig sa Toronto Raptors, 111-105, salamat sa 29 puntos ni DeMar DeRozan at 23 galing kay Zach LaVine. Inagaw ng Cleveland Cavaliers ang ikatlong puwesto sa East sa bisa ng 115-99 panalo sa Milwaukee Bucks.


Humugot ang Cavs ng 25 puntos kay Kevin Love para sa 30-19 at lundagan ang Brooklyn Nets na bumaba sa 29-19 matapos manalo ang Denver Nuggets, 124-118. Walang nagawa ang depensa na pigilin si MVP Nikola Jokic na nagtapos na may 26 puntos.


Nanatiling pangatlo ang Memphis Grizzlies sa West at nanaig sa San Antonio Spurs, 118-110, kung saan nagsabog ng 41 puntos si Ja Morant. Matapos patawan ng multang $15,000 (P771,300) ng NBA bunga ng pagsipa ng bola na tumama sa manonood kontra Golden State Warriors, bumawi si Kristaps Porzingis para sa 22 puntos para maging susi sa 132-112 panalo ng Dallas Mavericks sa Portland Trail Blazers.


Nagwagi ang Charlotte Hornets, 158-126 kontra Indiana Pacers. Bumira ng 10 tres si Kelly Oubre Jr. para sa 39 puntos, sinundan ni LaMelo Ball na triple double na 29 puntos.


Limang sunod na panalo ang Atlanta Hawks at pinatumba ang Sacramento Kings, 121-104.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page