top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mahihirap na tsuper, 20% discount sa lisensiya

Writer: BULGAR
BULGAR
May 25, 2023
1 min read

ni Mai Ancheta | May 25, 2023




Isinulong sa Kamara ang panukalang batas para sa pagbibigay ng diskuwento sa mahihirap na public utility drivers na kukuha ng lisensiya.


Nakapaloob sa House Bill 8070 ang pagbibigay ng 20% discount sa mahihirap na PUV drivers na kukuha ng professional driver's license partikular sa examination fees, certificates, clearances pati na ang babayaran sa accredited driving school.


Ayon kay Cong. Paolo Duterte na siyang naghain ng panukala, maraming binabayaran ang mga aplikante ng professional driver's license na pabigat at pahirap sa gastos ng mga ito.


Tinukoy ng kongresista ang inilabas na LTO memorandum circular 2021-2284 na nagtatakda ng mga pamantayan para makakuha ng lisensiya kabilang na ang pagsusumite ng medical certificate, clearance mula sa National Bureau of Investigation

at Philippine National Police at nakakumpleto ng walong oras na practical driving lesson sa alinmang driving school na accredited ng LTO o ng Technical Education and Skills

Development Authority (TESDA).


Batay sa datos mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), tinayatang nasa 430,000 na PUV drivers ang maaapektuhan ng mga bagong requirements na malaking pabigat sa mga mahihirap na PUV drivers.


Batay sa pagtaya ni Duterte, aabot sa P4,000-P7,000 ang magagastos ng mga aplikanteng kukuha ng professional driver's license.


Sa ilalim ng panukalang batas, ang mahihirap na PUV driver ay tatanggap ng fixed na arawang allowance bilang pantustos sa gastos sa pag-commute patungo sa driving school na napili nito para mag-aral, at isama ito sa mga prayoridad na i-enroll kung saan ang kurso ay libreng ibinibigay.


Ang mga opisyal at empleyadong tatangging magbigay ng benepisyo sa mahihirap na PUV drivers ay pagmumultahin ng mula P5,000 hanggang P20,000 kapag ganap nang batas ang panukala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page