FPni Angela Fernando - Trainee @News | November 21, 2023
Bumaba ang bilang ng pamilyang Pinoy na inuuri ang sarili na mahirap at nagugutom sa ikatlong quarter ng 2023, ayon sa lumabas sa survey ng OCTA Research.
Base sa survey, ang 46% ng mga respondente ay nagpasyang tawagin ang sarili na mahirap sa Q3 ng 2023, na 4% mas mababa kumpara sa resulta ng survey ng ikalawang quarter na 50%.
Pahayag ng OCTA, unang pagkakataon sa loob ng tatlong quarter na bumaba ang self-rated na kahirapan at gutom.
Dagdag nila, 43% o katumbas ng 11.3-milyong pamilya ang nagpasyang iuri ang kanilang sariling gutom, at nagsabing ang median na halaga na kinakailangan nila para sa gastusin sa bahay ay umaabot sa P33K kada buwan.
Samantala, higit sa 26% ng mga Pinoy ang naniniwalang mas lumala ang kalagayan ng gutom sa bansa, 11% naman ang naniniwalang ito'y nabawasan.
Komentarze