top of page
WINNER - 200 EMPLEYADO NG ABS-CBN, TATANGGALIN-ABS CBN.jpg

Mahayhay-Tuburan road project, iimbestigahan

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 16, 2026



Lalo Matugas - FB

Photo: Lalo Matugas - FB



Tiniyak nina Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco “Lalo” Matugas at kanyang anak na si dating Rep. Francisco “Bingo” Matugas II na igagalang nila ang Office of the Ombudsman at ang mandato nitong imbestigahan ang mga alegasyon laban sa mga pampublikong opisyal.


Ayon sa mag-ama, nakahanda silang makipagtulungan sa proseso at sagutin ang mga alegasyon kaugnay ng Mahayhay-Tuburan Road project sa Del Carmen, Surigao del Norte.


Iginiit ng mag-ama na ang preliminary investigation ang tamang proseso upang mapakinggan ang kanilang panig, masuri ang mga dokumento at ebidensya, at mabigyan sila ng pagkakataong sagutin ang mga isyung iniuugnay sa kanila.


Sinabi rin nila na hindi nila nais pangunahan ang magiging resulta ng imbestigasyon at handa silang hayaang isagawa ng Ombudsman ang tungkulin nito nang naaayon sa proseso.


“Hahayaang magsalita ang mga dokumento at ebidensya sa tamang panahon,” dagdag ng mag-ama.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page