top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Maharlika Law, 'pag sinopla ng SC, P-BBM magiging kahiya-hiya sa buong mundo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 21, 2023


MARCOS ADMIN, BINABALEWALA ANG UTOS NG SC MAIPAGTANGGOL LANG SI EX-P-DUTERTE—Kinikilala ng Supreme Court (SC) of the Philippines ang kapangyarihan ng International Criminal Court (ICC) at katunayan noong July 2021 ay naglabas ng unanimous decision ang Korte Supreme na dapat makipag-ugnayan ang Philippine government sa isasagawang imbestigasyon ng ICC-Prosecutor's Office, pero ang kautusang ito ay dinedma ngayon ng Marcos administration dahil ayon kay Justice Sec. Boying Remulla, hindi raw nila papapasukin sa Pilipinas ang mga taga-ICC sakaling magtungo ang mga ito sa bansa para maghain ng warrant of arrest laban kina ex-P-Duterte, Sen. Ronald dela Rosa at sa iba pang sangkot sa extrajudicial killings (EJK) kaugnay sa bloody drug war ng nakaraang Duterte administration.


Pambihira naman 'tong Marcos admin, mantakin n'yo, babalewalain ang batas sa Pilipinas at pang-international na batas, makapagsipsip lang kay ex-P-Duterte, boom!


◘◘◘


FEELING HARI PA RIN SI EX-P-DUTERTE KAHIT WALA NA SA PODER—Wala na sa poder si ex-P-Duterte, pero nagpi-feeling hari pa rin siya kasi hindi siya humingi ng permiso kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (P-BBM) sa ginawa niyang pagtungo at pakikiharap kay Chinese President Xi Jinping, na ayon sa mga law expert ay maituturing daw na pambabastos sa Marcos administration, kasi nga ay hindi na siya Presidente ng Pilipinas at wala pa siyang katungkulan sa gobyerno para makipagpulong sa presidente ng China.


At ito namang si P-BBM, imbes magalit kasi hindi niya alam ang pakay ni ex-P-Duterte, hindi niya alam kung ano ang buod ng pinag-usapan ng Presidente ng China at ex-Philippine president, ay okey lang daw sa kanya ang ginawa ng dating pangulo ng Pinas, tsk!


◘◘◘


DAPAT SI EX-P-DUTERTE AY SUMISIPSIP KAY P-BBM, PERO HINDI, MARCOS ADMIN ANG SUMISIPSIP AT NAGPAPAKITA PA NG TAKOT SA EX-PRESIDENT—Sa totoo lang, ang dapat na sumisipsip ngayon kay P-BBM ay si ex-P-Duterte, at hindi ang Marcos admin dahil wala na itong kapangyarihan sa gobyerno.


Ang kwela, ang Marcos admin pa ang sumisipsip kay ex-P-Duterte, at hindi lang basta paninipsip, kundi nagpapakita pa ng takot sa dating Pangulo.


Ayaw sundin ng Marcos admin ang desisyon ng SC na makipag-ugnayan ang Philippine government sa ICC, tapos okey lang kay P-BBM na nagtungo at nakipagpulong si ex-P-Duterte kay Chinese President Xi Jinping nang wala niyang pahintulot, o ‘di ba? Hindi lang paninipsip, kundi laki pa ng takot ng Marcos admin sa ex-President, boom!


◘◘◘


MAHARLIKA INVESTMENT FUND ACT, KAPAG IDINEKLARA NG SC NA UNCONSTITUTIONAL, LALABAS NA KAHIYA-HIYA SI P-BBM—Ngayong batas na ang Maharlika Investment Fund Act matapos na ito ay pirmahan ni P-BBM, tiyak na may magpepetisyon sa SC para ipa-reject ang batas na ito, at sakaling ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ito, tulad sa naunang deklarasyon ng SC na unconstitutional ang nilagdaang batas noon ng Presidente patungkol sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, lalabas na kahiya-hiya si P-BBM, hindi lang sa mga Pinoy, kundi sa buong mundo.


Lalabas kasi na wala siyang alam sa batas, na ang kanya palang mga pinipirmahan ay mga labag sa batas, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page