top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Maharlika Fund ‘pag nalugi o nakurakot, lahat ng pumirma dapat managot

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2023
1 min read

ni Ryan Sison @Boses | June 24, 2023


Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pipirmahan niya kaagad ang Maharlika Investment Fund (MIF) sa oras na dumating na ito sa Palasyo.


Ito ay matapos na itanong ng media ang tungkol sa bersyon ng MIF dahil lumusot ito sa ikatlo at huling pagdinig ng Senado at Kamara.


Dagdag ni Marcos, karamihan sa binago ay tungkol sa safety at security funds dahil dito umano nag-aalala ang mga tao.


Kabilang sa iminungkahi ng Pangulo na tanggalin sa panukala ng Kamara ay ang maging bahagi ng board ang Presidente, chairman ng Central Bank at Department of Finance.


Giit niya, kung maglalagay ng corrupt sa investment fund ay maaaring mawala ang pera, pero kung mahusay ang hahawak, maaaring lumaki ang pondo.


Matatandaang tinawag na ‘biggest investment scam’ itong MIF dahil isusugal ng gobyerno rito ang kaban ng bayan.


Puwedeng kumita ito o malugi, bagay na pinangangambahan ng mamamayan.


Ang tanong nating lahat, bakit kailangan itong madaliin kung may sapat namang panahon para suriin ito bago ipasa?


Maraming mali sa panukalang ito kaya tutol ang taumbayan, kaya’t mas maganda na suriin munang maigi bago gawing batas.


Nananawagan tayo sa gobyerno na sana ay huwag maabuso ang kaban ng bayan at huwag puro pangako.


At kung sakaling mawaldas ang pera ng bayan, dapat ding papanagutin ang lahat ng mga pumirma sa Maharlika Investment Fund.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page