top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mahabang life line, indikasyon na may responsibilidad pa sa pamilya o lipunan

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 27, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | October 27, 2021







KATANUNGAN

  1. Pakianalisa ang aking kalusugan ayon sa aking palad. Sa edad ko kasing 52, para bang andami-dami kong nararamdaman na sakit sa aking katawan, gayung masasabing bata pa naman ako.

  2. Sa palagay n’yo, aabutin pa ba ako ng edad 70 o 80, na siyang target age ko? Sana sa edad kong ‘yun ay manatili akong malakas para hindi ko naman pahirapan pa ang mga anak ko sa pag-aalaga sa akin. Sa palagay mo, Maestro, hanggang ano’ng edad ang itatagal ng buhay ko?


KASAGUTAN

  1. Kailangang kahit ano pa ang edad mo, sa panahong tumuntong ka ng 50 o 60-anyos pataas, kailangang palaging may gana o sigla ang buhay mo sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad na pinaglilibangan mo sa buhay. Sapagkat sa totoo lang, sinasabing ang kawalan ng gana at silbi ang pangunahing nagiging dahilan upang unti-unting manghina ang ating katawan, lalo na sa panahon ng pagtanda.

  2. Samantala, humaba naman ang buhay dahil marami pang dapat gawin, lalo na kung sobrang dami pa ng mga responsibilidad sa pamilya na dapat tugunan. Halimbawa, si lola o lolo ang nag-aalaga ng mga apo, mula nang pumasan sa kanilang lumang bahay ang walang sibling anak, nagkakaroon ng bagong hamon sa kanilang buhay.

  3. Minsan naman, humahaba ang buhay ni lolo o lola na mula sa mahirap na angkan dahil may mga anak pa silang dalaga at binata na patuloy na umaasa sa kanila. Sa isip-isip ng matatanda, paano ang tamad o walang pamilya na anak ko na ito kapag ako ay nawala, sino ang mag-aasikaso sa kanya? Dahil sa mga natitirang responsibilidad na ito, unconsciously obligado silang pahabain ang kanilang buhay.

  4. Samantala, Mang Simieon, nakatutuwa namang makita na humaba pa ang Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin (arrow a.), mararating mo pa ang ideal age na 70 hanggang 80, kung ngayon pa lang ay mag-iisip ka na ng mapaglilibangan tulad ng maliit na negosyo o public service o civic organization project na may layuning tumulong sa mahihirap, anuman ang sektor ng lipunan na nais mong tulungan.

  5. Sa ganyang paraan, ‘pag nagkaroon ka ulit ng responsibilidad sa iyong buhay, puwede ring maglingkod ka sa inyong simbahan o anumang relihiyon ang iyong kinaaaniban o ampunin o ikaw na ang magpaaral at mag-alaga sa iyong apo, sa parteng ‘yun, tulad ng naipaliwanag na, may silbi ka pa sa mundo at may gana ka pang magsilbi sa mga taong umaasa sa iyo, tuluy-tuloy pang hahaba ang buhay mo, hanggang sa abutin mo ang edad 80 hanggang 90 o higit pa.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Mang Simeon, kahit may mga nararamdaman kang kung anu-anong sakit ngayon sa iyong katawan, stress lang ‘yan. Kaya naman tiyak na hahaba pa ang iyong buhay at dahil dito, ngayon pa lang ay isaalang-alang at paghandaan mo na ang iyong pagtanda.

  2. Kasabay nito, mag-isip ka ng mga gawaing magkakaroon ka ng panibagong responsibilidad sa iyong pamilya, sarili o komunidad na iyong kinabibilangan, upang habang nagkakaedad ka, lalo pang humaba ang iyong buhay, dahil batid mong kailangan ka pa sa lipunang iyong ginagalawan, kaya hindi ka pa dapat pumanaw.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page