top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Magtatayo raw ng compound… KRIS, SA TARLAC NA TITIRA

BULGAR
Mar 19, 2021
3 min read

Julie Bonifacio - @Winner | March 19, 2021




May pa-big reveal si Kris Aquino sa kanyang social media accounts this coming weekend. Ibabahagi ni Kris ang latest ganap sa buhay niya.


Last time na nag-post si Kris sa kanyang Instragram ay noon pang March 7. Abangers palagi ang kanyang mga fans/followers for her next post. But it took Kris almost two weeks bago siya nagparamdam uli sa mga netizens.


Piktyur ng isang malaking signage na nasa daan na may nakalagay na ganitong mensahe: "Sometimes, the things that break your heart end up fixing your vision" ang naka-post sa Instagram at Facebook accounts ni Kris.


Ayon sa TV host, ang 'ate' raw niya ang nagpadala ng piktyur sa kanya. At kung pamilyar kayo kay Kris, ang 'ate' na tinutukoy niya ay ang eldest sibling niyang si Ballsy, bagama't may mga elder sisters pa siya na sina Pinky and Viel.


"My Ate sent me this... of course I jokingly replied, 'Ate, I would much prefer @owndaysph,'" panimulang caption ni Kris.


Kung babalikan ang nakaraang posts ni Kris, masasabi namin na may kinalaman ang mensaheng nakalagay sa malaking signage sa pag-alis niya sa Kyusi at planong pagtira sa Tarlac.


Muli naming hinanap ang naturang post ni Kris sa kanyang social media accounts pero 'di na namin makita.


At dahil naisulat at lumabas ang naturang post na 'yun ni Kris sa aming kolum dito sa BULGAR, kaya mailalabas namin ulit.


"I shall now answer, in straightforward language, I was running away from love because High Blood pressure from 7 years of EMOTIONAL STRESS is awful for my autoimmune conditions. Irrational as it may seem, HAD I NOT MOVED TO QC, OUR PATHS WOULD NEVER HAVE CROSSED," ang ilang bahagi ng kanyang cryptic post noong March 8.


Ginawa lang naming capital letters ang ilan sa mga salita sa kanyang post na may koneksiyon sa kanyang latest post.


On her next message/post, inilahad ni Kris na naghahanda na siya na magpalit ng voter's registration sa Sitio Alto, Barangay Central sa Tarlac.


At may nakita na raw silang lugar doon kung saan itatayo ang maliit na compound para sa kanya.


O, 'di ba, may connect 'yung nakalagay sa signage na "the things that break your heart end up fixing your vision"?


Na-happy naman ang mga followers ni Kris na malamang, balik-social media ulit siya.

"Finally.... we, your fans, are glad that you are back."


Pero may mga nag-post ng comments na followers ni Kris asking her kung ano ang nangyari sa kanyang Instagram and YouTube channel.


"Ano nga po pala ang nangyari sa IG n'yo kasi everyday ko pong tsine-check, walang lumalabas? Part na po kasi ng morning routine ko ang i-check ang IG n'yo kung may bagong post."

"Ganu'n din po sa YouTube, wala rin 'yung channel n'yo."


May netizen na nagsabing sadya raw nag-deactivate si Kris ng kanyang social media accounts.

Sagot naman ng iba, naghahanda lang si Kris para sa kanyang 'grand entrance' on her online comeback.


Sa last part ng caption ni Kris sa kayang IG story kahapon, binanggit niya na magkukuwento siya at ibabahagi ang version niya ng katotohanan.


"It’s time to share my story, and my truth. See you this weekend (I still don’t look healthy enough, since we’ve waited to reunite- I owe you to be at my physical & emotional best.)," end ng caption ni Kris.


Kung anuman ang kalagayan ni Kris ngayon, we just wish her well. At pagharap niya sa kanyang mga followers this weekend, hope she's in her best condition.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page