top of page

Magsasaka, patay nang suwagin ng kalabaw

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 28, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Wala nang buhay ang isang magsasaka matapos na suwagin umano ito ng alagang kalabaw sa Paracale, Camarines Norte.


Kinilala ng Paracale Police ang biktimang si Arnold Bonito, 61-anyos na natagpuang patay kahapon sa madamong bahagi ng Sitio Malapingan sa Barangay Pinagbirayan Munti, kung saan anim na kilometro ang layo mula sa kanyang bahay.


Sa tinamong sugat sa katawang ni Bonito, pinaniniwalaan na ang alaga niyang kalabaw ang gumawa nito hanggang sa siya ay mamatay.


“Ang suspek nila ‘yung kalabaw at matapang daw ‘yung dalawang inaalagaan na kalabaw nitong may-ari,” ayon sa acting chief ng Paracale Police na si P/Maj. Elezaldy Calingacion.


Plano nang ibenta ng mga kamag-anak ni Bonito ang kalabaw upang hindi na umano makapaminsala pa, ayon pa kay Calingacion.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page