top of page

Magsasaka, lugmok din sa taas-presyo ng langis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | April 16, 2026



Editoryal, Editorial


Habang tumataas ang presyo ng petrolyo, tumitindi rin ang pagdurusa ng mga magsasaka. Pero ang mas nakababahala, tone-toneladang ani ang nasasayang dahil hindi ito maihatid sa pamilihan.


Diretso ang problema—mahal ang gasolina, mahal ang transportasyon. Dahil dito, mas pinipili na lang ng ilang magsasaka na hayaang mabulok ang kanilang ani kaysa malugi sa pagbibiyahe. 


Sa huli, sila ang lugi, at ang mamamayan ay kulang sa pagkain.


Hindi na ito bagong isyu. Paulit-ulit na itong nangyayari, pero kulang pa rin ang konkretong aksyon. 


Nasaan ang sapat na cold storage? Nasaan ang maayos na farm-to-market roads? Nasaan ang tulong sa gastos sa transportasyon?


Kung may malinaw na sistema at suporta, hindi masasayang ang pagkain. Pero sa kasalukuyan, tila pinababayaan ang sektor ng agrikultura habang patuloy na tumataas ang presyo ng langis.


Hindi lang krisis sa petrolyo ang problema kundi kakulangan sa mabilis at seryosong aksyon.


Kung hindi kikilos ngayon, patuloy lang masasayang ang ani at mas lalong malulugmok ang mga magsasaka.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page