top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Magpapalala sa parusa ng isang akusado dapat nasa reklamo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 6, 2023
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 06, 2023



Dear Chief Acosta,

Maaari po bang managot ang isang akusado para sa sinasabing aggravating circumstance dahil diumano ginawa niya ang krimen nang may konsiderasyon sa pagtanggap ng gantimpala, ngunit sa mismong reklamo po ay ang impormasyon sa krimen lamang ang isinaad at hindi nabanggit ang tungkol sa nasabing aggravating circumstance? Sana ay malinawan n'yo ako. — Hera


Dear Hera,

Nakasaad sa Artikulo 14 ng Revised Penal Code of the Philippines (RPC) ang dalawampu’t isang (21) sirkumstansya na maaaring magpalubha sa kakaharaping parusa ng isang akusado, at ang isa na nga rito ay ang pagtanggap ng gantimpala bilang konsiderasyon sa paggawa ng krimen. Ayon sa nasabing probisyon ng batas:


“Article 14. Aggravating circumstances. - The following are aggravating circumstances: x x x

11. That the crime be committed in consideration of a price, reward, or promise. x x x”

Gayon pa man, nais naming bigyang-diin na kinakailangang partikular na nakasaad sa reklamo ang alinman sa aggravating circumstances. Malinaw na nakasaad sa ating Section 14, Article III ng ating 1987 Constitution:


“Section 14. (1) No person shall be held to answer for a criminal offense without due process of law.


(2) In all criminal prosecutions, the accused shall be presumed innocent until the contrary is proved, and shall enjoy the right to be heard by himself and counsel, to be informed of the nature and cause of the accusations against him, to have a speedy, impartial, and public trial, to meet the witness face to face, and to have compulsory process to secure the attendance of witnesses and the production of evidence in his behalf. x x x” (Emphasis supplied)


Maliban sa naibahaging probisyon ng 1987 Constitution, itinatakda rin sa Section 8, Rule 110 ng Revised Rules of Criminal Procedure bilang legal na panuntunan na dapat nakasaad sa reklamong kriminal ang anumang qualifying at aggravating circumstances:


“Section 8. Designation of the offense. — The complaint or information shall state the designation of the offense given by the statute, aver the acts or omissions constituting the offense, and specify its qualifying and aggravating circumstances. If there is no designation of the offense, reference shall be made to the section or subsection of the statute punishing it.” (Emphasis supplied)


Kung kaya’t hindi maaaring managot ang isang akusado para sa aggravating circumstance na ipinupukol laban sa kanya, tulad ng pagtanggap ng gantimpala bilang konsiderasyon sa paggawa ng krimen, kung ito ay hindi isinaad sa mismong reklamo laban sa kanya. Ito ay magiging paglabag sa nabanggit na panuntunan at probisyon ng ating Saligang Batas.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page