top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magnanakaw na single mom, kulong agad; mga buwaya sa gobyerno, hayahay pa rin

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 31, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 31, 2022



PROMISE NI CAYETANO NA P10K AYUDA SA BAWAT PAMILYANG PINOY, NABUHAY NA NAMAN—Sablay ang pag-epal ni Sen. Alan Cayetano sa isyung may kaugnayan sa lindol nang maghain siya ng panukalang batas na "4Ps for Disaster Victims bill."


Banat sa kanya ng netizens, dapat unahin ni Cayetano ang promise niyang pagbibigay ng P10K ayuda sa bawat pamilyang Pinoy kaysa sa inihain niyang panukalang batas na pang-disaster victims lang, tulad nitong "4Ps for Disaster Victims bill."


Hay naku, kung bakit naman kasi hindi na lang muna manahimik si Cayetano, imbes na limot na ng publiko ang promise niyang P10K ayuda sa bawat pamilyang Pinoy, nabuhay na naman.

◘◘◘


MARALITANG SINGLE MOM, NAGNAKAW PANGHANDA SA BIRTHDAY NG ANAK KULONG; MGA PULITIKONG KAWATAN, WALANG KULONG—Isang maralitang single mom ang inaresto at ikinulong ng mga pulis dahil sa pagnanakaw ng lobong pang-birthday, gatas at isang bote ng mantika na gagamitin sana niya sa birthday ng kanyang anak sa Cagayan de Oro City.


Bagama't mali ang ginawa niyang pagnanakaw, ang nakakalungkot lang sa isyung ito ay hinuli at ikinulong agad siya, pero ang mga pulitikong nagnakaw ng daan-daang milyong piso sa kaban ng bayan, mga nasa laya, ang iba ay kumandidato pa at nanalo sa iba't ibang posisyon sa pamahalaan.

◘◘◘


SA MONKEYPOX HUWAG MABAHALA, GANYAN DIN ANG SINABI NG DOH NOON HUWAG MABAHALA SA COVID-19, HINDI LALAGANAP PERO LUMAGANAP—Kinumpirma ng Department of Health na nakapasok na sa bansa ang isa pang uri ng virus na kung tawagin ay "monkeypox," pero ayon sa DOH ay huwag mabahala ang publiko dahil ginagawa naman ng ahensya ang lahat ng kanilang magagawa para hindi ito lumaganap sa Pilipinas.


Kung inyong maalala, ganyan din ang sinabi ni dating DOH Sec. Francisco Duque III noong manalasa na sa China at iba pang bansa ang coronavirus, na kesyo huwag mabahala ang mamamayan, pero kalaunan biglang nag-lockdown ang Philippine gov't. nuong March 2020 dahil hindi na mapigilan pagdami ng mga nagkaka-virus hanggang pumalo na sa higit 3 milyong Pinoy tinamaan ng COVID-19, at higit 60,000 Pilipino ang namatay sa virus!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page