Search
  • BULGAR

Maglo-launch na ng sariling digital network… SHARON, SINABAYAN ANG PAGBABALIK-TV NI KRIS

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 1, 2020



Pinuna ni Megastar Sharon Cuneta ang fake account na ginamit ang kanyang pangalan sa Facebook.


Ipinost ni Mega sa lahat ng kanyang social media accounts ang picture ng isang account sa Facebook na in-screenshot niya na may pangalan na "reallysharoncuneta."


Caption ni Mega, "reallysharoncuneta FAKE ACCOUNT ON FACEBOOK."


"That is not my page and obviously not me. I just posted this here pero 'di ko alam kung mapapakita niya. Please do not follow that account," panawagan ni Mega.


Kuwento pa ni Mega, may ipinost din siya sa timeline ng pekeng Facebook account na gamit ang kanyang pangalan.


"This is what I wrote: 'I’m sorry but this IS THE REAL SHARON CUNETA. WHO ARE YOU?

Everyone, my real FB page is Sharon Cuneta Official. Please follow that page, because I don’t know who this is,'" mensahe niya sa pekeng account.


Bukod sa FB, ipinost din ni Mega sa kanyang Instagram at Twitter account ang pekeng account daw niya.


"So you’d all know it is really I who am typing this. Thank you. Please delete this account so as not to confuse my followers. Thanks," mensahe pa ni Mega.


Prior to the fake account post niya, ishinare rin ni Mega ang excitement niya sa bagong digital project niya.


"The start of something all-new!!! Coming your way very, very soon... #YouTube #TheSharonCunetaNetwork !!!" post ni Mega.


Kung hindi kami nagkakamali, anytime soon ay ilo-launch ni Mega ang The Sharon Cuneta Network.


Sa comment section ng post ni Mega ay kita na agad ang excitement ng mga Sharonians. Kaya tiyak, marami na ang nakatutok sa pagbubukas ng The Sharon Cuneta Network.


Pero huwag lang sanang mangyari sa launching ng digital network ni Mega ang nangyari sa paglulunsad ng digital network ni Vice Ganda.


For sure, naging aware na si Mega at team niya sa nangyaring malaking aberya sa launching ng dignet (digital network) ni Vice.


Samantala, ngayong August 15 din nabalitang magsisimula ang pagbabalik sa ere ni Kris Aquino with her new show sa TV5.


Hindi naman siguro magkakatapat ang launching ng dignet ni Mega at ng talk show ni Kris. At kung sakali man, magkaiba naman ang kanilang platforms.


Ang tanong ng mga netizens, sa pagbabalik ni Kris sa ere, siya pa rin ba ang may hawak ng titulong "Queen of All Media"?


Remember, may Alex Gonzaga nang milyun-milyon ang mga followers, ganu'n din si Anne Curtis na kase-celebrate lang dahil sa kanyang 15M followers/subscribers, huh?


At the same time, ang tagal na rin na walang TV show si Kris. Maging ang production for entertainment ng dating Kapatid Network ay matagal ding "naisantabi" ng management, kaya mas naging kilala ang TV5 sa news and sports. Pero malay naman natin, 'noh?


Baka naman sa tagal na walang TV show ni Kris at sobra siyang na-miss ng mga televiewers, eh, bumongga ang ratings ng show niya.


And then, mahatak ni Kris ang Pinoy viewers na tumutok sa TV5.


Let's just wait and see.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.