Magkasama na sa iisang bahay… JERIC, UMAMING SI RABIYA ANG PUMAPAGOD SA KANYA
ni Maricon Nolasco @MarisPluk | July 22, 2023

Nag-guest ang real-life couple na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales sa programa ni Boy Abunda sa GMA Network na Fast Talk. Napag-usapan nila rito ang trending proposal ni Jeric kay Rabiya para sa GMA Gala 2023.
Ang mga katagang nakasulat sa cartolina: "Will you be my GMA Gala date, Rabiya?"
Kaya ang hirit ni Tito Boy ay kung paano na lang 'pag ang nakasulat sa papel ay: "Will you marry me?" ano raw ang magiging reaksiyon ng aktres dito?
Ang nakakatawang sagot ni Rabiya, "Ay! Maloloka talaga ako. Baka, mas malayo pa 'yung itinakbo ko. Hahahaha!"
Kaya lang naman daw naitanong 'yun ni Tito Boy dahil nang mag-guest si Rabiya sa Fast Talk noon ay tinanong niya rin ito kung ano ang isasagot niya kapag niyaya na siya ni Jeric na magpakasal.
Pero ang isinagot ng aktres ay 'wag daw muna, siguro, mga dalawang taon pa dahil kailangan pa raw nilang mag-ipon at maging ready sa lahat ng aspeto. Pero kahit na 'di pa rin sila handang magpakasal ay napag-uusapan naman nila ang tungkol dito.
Hanggang sa napunta na ang usapan sa naging pansamantalang paghihiwalay ng dalawa.
Para kay Rabiya, nahirapan siya nang mawala si Jeric sa tabi niya. Nilunok na lang din daw niya ang kanyang pride kesa mawala ang boyfriend sa piling niya.
So, doon na nga na-realize ni Rabiya na kailangan nilang bigyan ng isa pang chance ang kanilang pag-iibigan.
Para naman kay Jeric, sa lahat ng naging relationships niya noon, si Rabiya raw 'yung hindi niya pinakanatiis kaya't alam niyang ang girlfriend na ang kanyang true love.
Tinanong naman ni Tito Boy kung kumusta ang kani-kanyang career nina Rabiya at Jeric.
Para sa magdyowa ay okay na okay daw. Happy silang dalawa na meron silang mga individual careers at hindi sila natali sa pagiging love team.
Advantage raw para kay Rabiya na hindi sila magkasama sa work ni Jeric dahil sa tuwing umuuwi raw siya sa bahay nilang dalawa ay ang boyfriend ang kanyang nagiging pahinga.
Kaya't ang usisa ni Tito Boy kay Jeric, "Kung ikaw ang pahinga ni Rabiya, ano naman siya sa iyo?"
Ang makahulugang sagot naman ng aktor, "Ah, sa kanya ako napapagod," na ikinahagalpak ng tawa ng mga tao sa loob ng studio.
Maging ang mga netizens ay tawang-tawa sa ibinulgar ni Jeric, kaya’t humirit pa ang ilan na, “Sana all, may pumapagod. Hahahaha!”
“Alam na this! Nice one, Jeric!”
“Ang kalat naman ng magdyowang ‘to. ‘Kaloka! Hahahaha!”
Huwaaaaw! Grabe naman ‘yun. Oh, sino ba ang mga cleaners diyan? Pakilinis naman ‘yung kalat, please?! Hahahaha!





Comments