Magkaroon ng safe na lugar sa bahay para makaligtas sa mga pagbaha
- BULGAR

- Nov 13, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 13, 2020

Kahapon ay matinding pagbaha at malakas na hangin ang humagupit sa bansa bunga ng bagyong si Ulysses. Tulad niyan, hindi natin alam lahat kung kailan darating ang isang kalamidad, natural calamities man o ito gawa ng ibang tao na siyang mangyayari kaya dapat tayong maghanda. Ang isang mainam na pagsisimula ay lumikha o magkaroon ng isang “ligtas na silid” o lugar sa inyong bahay para mapaghimpilan sa oras na manalasa ang kalamidad tulad ng pagbaha.
Libutin ang buong bahay o ang iba pang lugar diyan sa inyo. Tanungin ang sarili, ano ba ang siild na puwedeng magkasya ang buong pamilya (kabilang na ang mga alagang hayop). Isang cabinet o mataas na taguan o storage rooms na maaring magkasya ang lahat ng inyong kailangan maging ang tao ay puwedeng magkasya at mamalagi roon. Ayon sa mga eksperto, ang isang maliit na interior room na nasa mas mataas na lugar ay mas mainam na piliin. Ito ngayon ang siyang dapat na piliin.
Kung may isa kang isang silid na kayang magawa ito. Ngayon pa lang kumuha ka na ng contractor na magdagdag sa inyong bahay ng isang ligtas na silid na puwede ninyong takbuhan o akyatin sa oras ng pagsalanta ng mga kalamidad tulad ng pagbaha o flashflood. Ang ilang silid ay puwedeng maging prefabricated at maaari na itong maidagdag sa inyong bahay bilang isang safe room sa panahon ng sakuna. Para sa prefab safe rooms, mas mainam na ito ang piilin dahil karaniwan na ang isang pagpapagawa ng silid ay aabot halos ng isang linggo o dalawang linggo bago matapos. Karaniwan na presyo ng gagastusin sa ganito ay nasa P150,000 o higit pa.
Kung ikaw mismo ang marunong mag-construct ay puwede mo nang papelan ang pagpapagawa at ayos na kung may isa o dalawa kang katulong sa pamilya. Siguraduhin mo lang na matibay ang mga materyales na gagamitin at hindi basta bumibigay sa pananalasa ng malakas na agos ng tubig.
Kumuha ka na rin ng building permits kung kailangan sa inyong subdivision o lugar para sa panibagong konstruksiyon.
Kung nakatira ka sa binabahang lugar, pero ang isang ligtas na silid ay hindi ka nakasisiguro sa lugar na ito na magbibigay sila ng tamang proteksiyon. Ipinapayo na mag-evacuate na kaagad kaysa ang lumusong sa tubig-baha at pumunta man sa iba pang lugar.
PARA MAS MADALI KAYONG MAGKITA NA MAGPAPAMILYA AT HINDI KAYO MAGKAKAHIWA-HIWALAY SA ORAS NG SAKUNA
Matapos ninyong makaligtas sa sakuna, gusto mo ngayong malaman kung ligtas ang mga mahal sa buhay na nagsisikap ding makaligtas at kayo’y magkahiwa-hiwalay na rin lang sa naturang sakuna. Napakaraming nakakikilabot o mabigat sa kalooban ng mga kuwento na nagkawalay ang mga mahal sa buhay sa mga oras na kailangan nilang magtulung-tulong sa ganitong pagkakataon.Maiiwasan ninyo kahit paano ang ganitong senaryo kung ngayon pa lang ay lilikha na kayo ng family disaster plan.
1.Bigyang edukasyon ang pamilya sa anumang uri ng mga sakuna na maaaring mangyari sa inyong lugar tulad na lamang ng pagbaha, lindol o malakas na pag-ulan.
2. Lumikha ng disaster plan para sa isang emergencies na maaaring mangyari. Praktisin ang iyong plano upang matiyak na ang mga bata ay alam kung ano ang gagawin sa mga pagkakataon ng mga sakuna.
3. Bigyan ang bawat miyembro ng pamilya ng mga cellphone numbers ng mga kaibigan o iba pang mahal sa buhay na nasa malayong lugar upang may matawagan sila sa sandali ng paghingi ng tulong. Sila na rin ang mga ito ang magkakaroon ng tamang lokasyon at contact information para sa iba pang nakakalat na iba pang mahal sa buhay sa ibang lugar sa panahon ng emergency.
PAGKONTAK SA MAHAL SA BUHAY
1. Kontakin ang tao na nasa iyong family disaster plan upang masabi ang inyong status at lokasyon upang malaman ninyo ang lokasyon at status ng iba pa.
2. Magparegister sa lokal na Red Cross. Mainam iyan upang agaran kayong mabigyan ng tulong ng Red Cross sa sandali ng sakuna.
3. Magparehistro na rin sa National Disaster Risk and Reduction (NDRRMC) kung saan kayo maaring i-rescue sa oras ng mga sakuna tulad ng pananalasa ng baha.








Comments