top of page
Search
  • BULGAR

Magkaka-beybi ‘pag binago ang pirma

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | August 15, 2022




KATANUNGAN

  1. Ang problema ko ay mahigit anim na taon na kaming nagsasama ng mister ko, pero hanggang ngayon ay wala pa kaming anak. Kapag dinadala ng mga katrabaho ko ang kanilang anak sa opisina, hindi ko maiwasang mainggit, lalo pa’t naalala rin nila na wala pa akong anak. Madalas din nila akong tanungin kung kailan ako magkakaanak.

  2. Maestro, nakikita rin ba sa guhit ng palad kung may pag-asa pa kaming magkaanak ng mister ko? Kung wala na, balak naming mag-ampon at itatanong ko na rin kung ano’ng birthday ng baby ang dapat naming ampunin upang kahit hindi namin siya kadugo ay lumaki siyang mabait at mapagmahal sa amin na magpapalaki sa kanya?

KASAGUTAN

  1. Malabo kang magka-baby dahil ang iyong lagda ay walang phallic symbol na tinatawag, na tipikal na nakikita sa lower loop o lower zone ng lagda, na kadalasang nalilikha ng mga buntot ng “g, y, z, j” at iba pang letrang may buntot.

  2. Kaya upang magka-baby ka, kailangang buhayin mo ang phallic symbol sa buntot ng letrang “y” sa iyong pirma, kung saan gawin mong bilog ang buntot ng letrang “y” sa halip na straight na mahaba na gaya ng ginagawa mo ngayon.

  3. Sa sandaling nagawa mong bilog ang nasabing buntot ng letrang “y” sa iyong pirma, hindi imposibleng sa edad mong 41 pataas, matutupad ang malinaw at makapal din namang Children Line (Drawing A. at B. 1-C arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda ng malusog na sanggol na lalaki ang iyong isisilang, na siyang magsisilbing simbolo ng kumpleto at maligayang pamilya sa hinaharap.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ayon sa Graphology, ito ang sining at siyensiya, kung saan sinusuri ang lagda at sulat kamay ng indibidwal upang alamin ang natatago niyang ugali at sadlakang kapalaran. Sa Graphology o handwriting analysis, kapag walang lower loop o lower zone ang isang lagda o sulat kamay, ito ay indikasyon ng frigidity, impotent o kawalang libido upang makabuo ng baby sa sinapupunan ng nasabing indibidwal. Kapag naman sobrang laki o well pronounce ang nasabing mga bilog sa ilalim ng lagda, ‘yun bang sobrang higante at malaki talaga, ito ay indikasyon ng excess sexual drive. ‘Ika nga, sa Tagalog ay sobra naman ang init ng katawan at seksuwal na pagnanasa.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Chato, napabibilang ka sa una, kung saan walang bilog o diretso lang ang buntot ng letrang “y” sa iyong lagda, kaya tulad ng nasabi na, hindi kayo makabuo ng baby ni mister.

  3. Subalit kung ngayon palang ay sasanayin mo nang magkaroon ng buhay o bilog na buntot ang mga letrang “g, y, j, z” at iba pang letrang may buntot sa iyong sulat kamay at lagda, tiyak ang magaganap, hindi pa huli ang lahat dahil sa susunod na taong 2023, may mabubuong buhay sa iyong sinapupunan upang pagkalipas ng siyam na buwan, isang malusog at matalinong lalaking sanggol ang iyong isisilang na kukumpleto sa inyong samahan at magbibigay ng dagdag na tuwa at ligaya sa inyong pamilya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page