top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magkaiba ang legit media sa mga bloggers, period!

BULGAR
Jun 2, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 2, 2022


BAKA MAPUNO ANG MALACAÑANG SA DAMI NG MARCOS BLOGGERS–Ayon kay incoming Presidential Communication Operations Office (PCOO) Sec. Trixie Angeles, pagkakalooban niya ng accreditation sa Malacañang ang mga social media bloggers para makadalo sa mga press briefing ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. (P-BBM).


Nakupo, sa dami ng bloggers ni P-BBM, baka mapuno ang Malacañang kapag meron siyang press briefing, boom!


◘◘◘


MAGKAIBA ANG LEGIT MEDIA SA BLOGGERS–Kung magkakatotoo ang gusto mangyari ni Sec. Angeles na bigyan ng accreditation sa Malacañang ang mga bloggers, dapat huwag niyang isabay ang mga ito (bloggers) sa mga lehitimong miyembro ng media na nakadestino sa Malacañang kapag may press briefing si P-BBM kasi magkaiba ang legit media sa mga bloggers.


Ang mga balitang gawa ng mga legit media ay dumaraan muna sa masusing pagsusuri ng mga editors kung dapat o hindi dapat ilathala sa mga pahayagan at isa-ere sa mga TV at radio stations ang mga gawa nilang istorya, pero ang mga bloggers, amo nila ang kanilang sarili, post lang sila nang post sa social media (kahit fake news) kasi wala silang editor, period!


◘◘◘


SA DEBATE, SINO KAYA KINA TRIXIE ANGELES AT LUKE ESPIRITU ANG MAGWAWAGI?–Naghamon si Sec. Angeles ng debate sa mga nagsasabing bad ang Martial Law at ang hamon niyang ito ay tinanggap ni Atty. Luke Espiritu ng Partido Lakas ng Masa (PLM).


Kung matutuloy ang debate, magandang laban ito dahil pareho silang abogado, kaya’t ang tanong, sino kaya ang magwawagi kina Angeles at Espiritu? Abangan!


◘◘◘


NAGPAKITA NA NG HUSAY SA DEBATE SI ATTY. ESPIRITU, PERO TRAPO PA RIN ANG IBINOTO NG MGA ‘BOBO’-TANTE–Sa debate noon ng mga kandidato sa pagka-senador ay ipinakita ni Atty. Espiritu ang kanyang husay nang patiklupin niya ang mga taklesang sina Atty. Harry Roque at Atty. Larry Gadon.


Ang nakakalungkot, sa kabila ng ipinakitang husay ni Espiritu sa debate, natalo siya at hindi lang basta talo, kundi nasa hanay siya ng mga kulelat na senatoriables kasi ang ibinoto ng mga ‘bobo’-tante ay ang mga kandidatong trapo (traditional politicians), tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page