Maging sino ka man... Paano ka ba mamahalin ng magulang kahit bad boy/girl ka
- BULGAR

- Oct 8, 2020
- 3 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 8, 2020

Lahat ng magulang ay gustong ibigay sa kani-kanilang mga anak ang gusto nilang maging kinabukasan nito sa kanyang paglaki. At habang lumalaki ang mga anak, lumalaki na rin ang kanyang inaasahan, pero habang lumalaki sila, ang sarili nilang mga magulang na rin ang siya nilang nagiging modelo. Oras na ang kanilang anak ay pumasok na sa mundo ng pagkakaroon ng mga kaibigan, pag-aaral at pagbabarkada, nade-develop ang sarili niyang personalidad. Ang mga magulang sa mga oras na ito ay karaniwang nagre-react sa pinipiling estilo ng kanyang anak at dahil sa sobrang reaksyon, nariyang madama ng anak na parang hindi siya mahal at hindi siya masaya. Rito mo maaaring makausap ang iyong magulang at hayaang ipaala sa kanila na kailangan mo ang kanilang pagmamahal maging sino ka man kahit na kakaiba ka sa iyong inaasahan.
Magkaroon ng mahinahon na pakikipag-usap sa magulang. Pumili ng oras kung saan tahimik at kampante at mahinahon silang kausapin. Ipaliwanag na may isang bagay ka na sasabihin sa kanila, at sana’y pakinggan ka nila bago sila sumagot.
1. Sabihing nauunawaan mo kung bakit sila nahihirapan na tanggapin ka bilang ikaw, pero ikaw pa rin ang anak nila na pinalalaking minamahal, pero ngayon ay may ibang damdamin at iniisip.
Tiyakin na alam nilang mahal mo sila kung sino sila at bilang sukli kailangang tanggapin ka naman nila bilang ikaw at kung sino ka pa. Ipaliwanag na lahat kamo ng kanilang pagkalinga at pagmamahal ay iyong ina-appreciate. Ipaliwanag na ang pagmamahal nila ay iyong tinatanggap habang pinalalaki nila.
2. Ipaalala sa kanila na lahat ay may pare-parehong interes, hangarin o may parehong pinagpipilian. Sabihin na bagamat marami kang natutunan mula sa kanila, may sarili ka namang gustong gawin sa sarili at damdamin. Matapos itong masabi, maupo nang tahimik at tingnan kung paano sila mag-react at kung ano ang kanilang susunod na sasabihin. Kung mayroon silang positibo at pagtanggap na reaksiyon, maaring may punto ka. Yakapin sila at sabihin kung gaano mo sila kamahal at tinatanggap. Magkagayunman kung sinasabi nilang hindi ka pa rin nila matanggap, okey lang, basta’t sabihin mo na patawarin ka kung ganoon ang kanilang nararamdaman.
3.Konsiderahin ang pagpili na depende sa iyong edad. Kung magsosolo ka na ba sa buhay o mananatili ka pa rin sa piling nila habang pilit mo pa ring gusto na maintindihan ka nila. Sa ngayon, gayunman, magpatuloy pa rin sa buhay. Darating din ang oras, matatanggap ka rin nila at madama ang kanilang pagmamahal.
4. Huwag tatalikuran ang iyong magulang. Hindi mo sila mapipilit na mahalin ka nila at tanggapin, pero ipagpatuloy mo ang pagmamahal sa kanila.
a. Huwag sumuko.
b. Huwag mawalan ng pasensiya.
b. Kailangang hindi ka mapikon sa anumang sasabihin nila.
c. Huwag pilitin na tanggapin ka nila, basta’t tanungin lang sila.
d. Unawain na sila ay pinalaki nang magkaiba, kung saan ang pagtanggap sa iba’t ibang tao ay kanila ring hindi basta ina-appreciate. Ito ay bahagi kung sino sila, at kailangan mong tanggapin na ito ay mahirap para sa kanila na magbago sa estadong ito ng kanilang buhay.
e. Maging mapagpasensiya at unawain at sabihin sa kanila ang hinggil sa pagbabago na kanilang pinagagawa sa’yo at sa masayang damdamin mo ngayon. Unti-unti habang natututunan nila, maaari ka nilang matanggap. Ang magulang ay magulang pa rin, wala silang sawa sa pagmamahal sa kanilang anak, kaya dapat ganun ka rin sa kanila.
f. Maging bukas loob sa kanila, at ipakita ang pagmamahal. Tulungan sila hanggang kaya mo at ipaliwanag na lagi kang nariyan sa tabi nila.
g.Maaaring darating ang araw, habang higit nilang naiintindihan, higit silang tumatanggap at mamahalin ka pa rin nila kahit sino ka man.
h. Ihanda ang sarili kung hindi ka man matanggap at unawain na nila ang kanilang hindi pagtanggap ay hindi ibig sabihin na hindi ka nila mahal. Ipagpatuloy lang ang buhay at makuntento sa pagkakaalam mong nagsikap ka pa rin.
1. Huwag mong piliting isipin at damahin kung paano babaguhin ang sarili para mapagbigyan sila. Basta’t manatili ka kung ano ka, kahit na hindi ka tanggap ng iyong magulang bilang ikaw.








Comments