top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Magiging Kapuso na raw talaga… MAJA, NAKIPAG-BONDING NA KAY HEART

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | February 10, 2021




Kahit itinanggi ni Willie Revillame na magiging co-host niya si Maja Salvador sa Wowowin/Tutok to Win, tuloy ang usap-usapan online na magiging Kapuso na ang aktres.

Ito’y kahit may nagsalita nang (hindi malinaw kung sa kampo ni Maja o kampo ng GMA Network) fake news ang kumakalat na balita na lilipat at kukunin ng Kapuso Network si Maja, may mga naniniwala pa rin na magiging Kapuso na ang aktres.


In fact, nababalitang this week na pipirma ng kontrata sa GMA Network si Maja at lalong marami ang naniwala nang i-guest niya si Heart Evangelista sa kanyang vlog na Meet Maja. Parang introduction na raw ‘yun sa pagsasama nila sa series na I Left My Heart in Sorsogon.


Nababalita ring kasama si Maja sa cast ng Voltes V: Legacy at binanggit na ng fans kung ano ang magiging role niya. Kaya nga raw hindi pa ipinakilala kung sino ang gaganap na Princess Zandra dahil si Maja raw ang gaganap sa nasabing role.


Parang malabo naman ito dahil last year pa nagpa-audition ang GMA-7 at si Director Mark Reyes para sa mga karakter ng Voltes V: Legacy. Hintayin na lang natin kung pipirma nga this week si Maja sa GMA.


Samantala, ipinakilala na last Monday sa 24-Oras ang tatlo sa mga kasama sa cast ng Voltes V: Legacy. Sila ay sina Radson Flores na gaganap na Mark Gordon, Raphael Landicho bilang Little John at Matt Lozano bilang Big Bert.


This Wednesday, ipakikilala ang mga gaganap na Steve Armstrong at Jamie Robinson na ayon sa nag-leak online ay gagampanan nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page