Magdyowang compatible, masagana’t maligayang pagpapamilya ang naghihintay
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | April 30, 2023
Dear Maestro,
Three years na ang relasyon namin ng boyfriend ko sa darating na June 5.
Gusto kong malaman kung compatible ba kami at kung kami na ba ang magkakatuluyan, at magkakaroon ba kami ng maunlad at maligayang pamilya?
May 23, 1998 ang birthday ko, at December 18, 1997 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Isabel ng Santa Cruz, Porac, Pampanga
Dear Isabel,
Ayon sa birthday mong May 23, 1998 na nasa pagitan ng zodiac sign na Taurus at Gemini, sadyang ka-compatible mo ang iyong boyfriend na isinilang noong December 18, 1997 dahil ang Taurus o Gemini ay sadyang tugma sa zodiac sign na Sagittarius na boyfriend mo. Gayundin, karaniwang nagkakatuluyan ang mga isinilang sa buwan ng Mayo at Disyembre, kaya malaki ng posibilidad na kayo ay magkakatuluyan.
Gayundin, ang kinalabasan sa pagsusuri sa larangan ng Numerology, tulad ng nasabi na, ang birth date mong 23 o 5 (2+3=5) at 18 o 9 (ang 18 ay 1+8=9) naman ang boyfriend mo ay tugma o compatible sa isa’t isa, at kung kayo ang magkakatuluyan, tiyak na isang maunlad at masaganang pamumuhay ang inyong matatamasa.
Lalo mong matitiyak kung ang boyfriend mo na ang iyong mapapangasawa sa sandaling siya o ang kanilang pamilya ay may kaya sa buhay, dahil karaniwan sa may birth date na 23 na tulad mo ay nakakapag-asawa ng may kaya sa buhay o sa panahong sila ay mag-asawa na, unti-unti ring uunlad ang kanilang kabuhayan hanggang sa tuluyan silang yumaman.
Kaya, Isabel, sa sandaling kayo ang nagkatuluyan ng kasalukuyan mong boyfriend na may birthday na December 9, 1988 at May 23, 1989 ka naman, tiyak ang magaganap – ang inyong pagmamahalan ay makakaranas ng masagana at maligayang pagpapamilya habambuhay, na nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2024, sa edad mong 26 at 27 naman ang boyfriend mo.




Comments