top of page
Search
  • BULGAR

Magdasal ka na, sister (13)

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | November 14, 2023



“Partner naman, eh!” pagrereklamong sabi ni David.


Hindi niya lubos akalain na hihirit pa si Maritoni na i-extend ang kanyang pagpapanggap bilang madre. Nang nakita pa naman niya ito para siyang nakakita ng anghel na bumaba galing sa langit dahil akala niya hindi niya na kakailanganin pang magpanggap at magsuot ng damit pangmadre.


Pero, akala niya lang pala ‘yun.


“Bigyan mo naman ako ng respeto. Aba’y bading na bading na ang tingin ko sa sarili ko.”


“Ang ganda mo nga eh,” tudyo nito sabay hagikgik.


“Kaya nga ibinigay ko sa’yo ang pagkakataon na ‘yan. Aba, minsan lang dumating sa buhay mo ‘yan!” Dagdag pa nito.


“Hindi ako nagbibiro, misyon mo ‘to, kaya ikaw ang dapat na…”


Ang misyon ko ay mahuli ang serial killer, hindi ko iyon magagawa kung nandito lang ako sa loob ng kumbento. Siyempre, kailangan kong imbestigahan ang suspek at ‘yun ay walang iba kundi si Mark Ferrer. Paano ko ‘yun magagawa kung nakadamit akong pangmadre? ‘Di naman ako puwede lumabas kaya kinakailangan ko ng tulong mo. Kailangan mo silang bantayan para magawa ko ang aking misyon.”


“Sigurado ka bang magagawa mo?” Naghahamong tanong niya rito.


Hindi niya na napigilan na maging sarkastiko dahil sa inis na kanyang nararamdaman sa kanyang partner.


Nasimulan ko na, at kasalukuyan akong nare-rent sa paupahan niya kaya tiyak na marami akong malalaman.” Sagot nito habang tumatangu-tango.


“Talaga bang nakakatiyak ka na hindi ka nag-aaksaya ng oras sa taong ‘yun?” Badtrip pa ring tanong ni David.


Hindi agad kumibo si Maritoni pero nang magsalita ito, parang Christmas light na nagniningning ang kanyang mga mata.


“Mula sa mga katiwala niya, natuklasan kong magkikita sina Mark Ferrer at Sister Luna ng gabing natagpuang wala nang buhay si sister. Kaya malaki ang posibilidad na may kinalaman siya rito.”


Ito rin kasi ang tamang panahon para gawin niya ang kanyang pinaplano. Pasalamat na lang talaga siya at binigyan siya ng pagkakataon ng kanyang partner.


Itutuloy…


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page