top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Magandang pahiwatig ng kalamidad at baha

BULGAR
Oct 21, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 21, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Aurora ng Mindoro Oriental.


Dear Maestra,


Madalas akong managinip ng mga kalamidad o disasters.


Ang hindi ko makakalimutan sa lahat ay ‘yung panaginip ko last Saturday na bumaha sa lugar namin, tapos lumikas kaming lahat upang hindi malunod sa baha.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Aurora



Sa iyo, Aurora,


Kabaligtaran ang ibig sabihin kapag madalas kang managinip ng mga kalamidad. Ito ay nangangahulugan na isa sa iyong mga kaibigan ay makakatanggap ng promotion sa kanyang pinapasukan, at ito ay magaganap sa lalong madaling panahon.


Samantala, ang panaginip na bumaha sa lugar n’yo at lumikas kayong lahat upang hindi malunod sa baha ay maganda rin ang ipinahihiwatig. Nangangahulugan ito na magiging maayos ang lahat ng transaksyon mo, pati na rin ang personal affair mo. Makakamit mo ang lahat ng iyong minimithi, gayundin, ang binabalak mong negosyo ay magtatagumpay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page