top of page

Magandang dalampasigan, pahiwatig ng kayamanan at kaligayahan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 19, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 19, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Batangas.


Dear Maestra,


Kumusta kayo r’yan sa Bulgar?


Napanaginipan ko na nasa tabing dagat ako, payapa, tahimik, at maaliwalas na kapaligiran.


Ang ganda ng alon sa dalampasigan, ang sarap sa pakiramdam. Lalo pa akong nasiyahan ng may lumitaw na bahaghari sa kalangitan.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lourdes


Sa iyo, Lourdes,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa tabing dagat ka, payapa, tahimik, at maaliwalas na kapaligiran ay matatapos na ang mga problema mo sa buhay. Magiging magaan na ang iyong loob. Simula na rin ito ng panibagong buhay, malayo sa gulo, payapang kapaligiran at mababait na kapitbahay.


Ang magandang alon sa dalampasigan, ay nagpapahiwatig ng kayamanan, kaligayahan at magandang kapalaran.


Samantala, ang lalo kang nasiyahan dahil may lumitaw na bahaghari sa kalangitan ay nangangahulugan ng pagbabago tungo sa kaunlaran. Hindi magtatagal, gaganda na ang iyong buhay. Matutupad na ang mga pangarap mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page