top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Maganda at makapal na marriage line, tanda na ‘di mahihiwalay sa mister kahit laging nag-aaway

BULGAR
Jul 4, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | July 04, 2021




KATANUNGAN


  1. Madalas kaming mag-away ng aking mister dahil sa kakapusan sa pang-araw-araw naming budget. Dati ay napagkakasya ko pa ang iniintrega niya, pero ngayon ay talagang madalas na kaming kapusin, lalo pa’t bihira na siyang pumasok dahil sa pandemya.

  2. Kaya nais kong malaman kung magkakahiwalay ba kami, kasi noong huling pag-aaway namin ay nagkataasan kami ng boses at sabi niya, kapag napuno siya ay lalayasan niya kami.

  3. Magta-tatlong araw na siyang hindi umuuwi at tingin ko ay tinotoo niya ang kanyang banta. Pero nang kontakin ko, sumagot naman siya at sabi niya ay nasa mga biyenan ko siya at nagpapalamig ng ulo.

  4. Gustuhin ko mang tulungan ang mister ko sa paghahanapbuhay, wala akong magawa dahil high school graduate lang ako at dagdag pa na may pandemya. Balak kong mamasukan kahit bilang tindera para may maidagdag sa pang-araw-araw naming gastusin sa bahay.

  5. Tama ba ang naiisip ko na mamasukan at may pag-asa ba akong matanggap kahit medyo may edad na ako? Sa guhit naman ng aking palad, may pag-asa pa bang umunlad ang buhay ng aming pamilya?

KASAGUTAN


  1. Tama ang binabalak at iniisip mo na kung hindi mo tutulungan ang iyong mister na madagdagan ang inyong income, dahil kapos ang intrega ni mister ay palagi nga kayong mag-aaway.

  2. Samantala, ang nakatutuwa ay may namataang malinaw na Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung maghahanap ka ng kahit anong trabaho o dagdag na pagkakakitaan para sa inyong pamilya, puwedeng tindera o kung anuman, sigurado ang magaganap. Pagpasok ng Agosto o Setyembre, tamang-tama bago mag-Pasko, makatatagpo ka na ng okey na trabaho. At kahit medyo maliit ang suweldo, makatutulong naman ito upang punan ang kinakapos na budget ng inyong pamilya.

  3. Kapansin-pansin din ang iisa, malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa panahong ito, kahit madalas kayong mag-away ni mister dahil sa pera, hindi magiging sapat na dahilan ang nasabing mga tampuhan upang kayo ay magkahiwalay.

  4. Sa halip, habang tumatagal at binabayo kayo ng mga pagsubok at crisis na pampinansiyal, magiging dahilan pa ito upang lalong tumatag ang inyong samahan at pagmamahalan.

  5. Ang pag-aanalisang wala namang susuko sa inyo, sa halip ay lalo pa kayong magsisikap upang mapaunlad ang inyong kabuhayan ay madali namang kinumpirma ng lagda mong imbes na papaliit ay papalaki at papaangat ang mga letra sa dulong bahagi. Ibig sabihin, kung may susubok sa inyong mag-asawa na mangibang-bansa, kung hindi ikaw ang makapag-a-abroad, posibleng si mister ang makapangibang-bansa na magiging daan upang mas bumuti at umunlad ang kalagayang pangmateryal ng inyong pamilya.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Anne, tama ang iyong binabalak. Simulan mo nang maghanap ng bagong source of income at hindi ka dapat umasa lang sa kakarampot na suweldo ng iyong mister.

  2. Ito na ang eksaktong panahon upang magsikap at magsipag ka. Sa ganyang paraan, kapag natuto ka na ring gumawa ng mga bagay na pagkakaperahan, hindi pa huli ang lahat. Kapag may sarili ka nang pinagkakakitaan, ngayong 2021, kahit may pandemya, unti-unti nang makakaahon sa kahirapan ang inyong pamilya hanggang sa tuluy-tuloy nang umunlad at guminhawa ang inyong kabuhayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page