top of page
Search
  • BULGAR

Mag-uutol at mag-ina sa Senado, onli in da Pilipins!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 16, 2022


SUWERTE NI ERAP, 2 ANAK NA NIYA ANG SENADOR – Isa sa napakaswerteng magulang ngayon ay si ex-Pres. Erap Estrada.


Dalawa kasi sa anak niya ang nanalo sa pagka-senador, sina Jinggoy Estrada at JV Ejercito.


Onli in da 'Pinas lang 'yan, na sa kabila na nakasuhan ng plunder at nakulong si Erap, ay ibinoto pa rin ng majority Pinoy ang kanyang mga anak para maging mga senador, boom!


◘◘◘


NAPAKASUWERTENG MISIS SI MARIEL KASI PAKANTA-KANTA LANG MISTER NIYANG SI ROBIN NAGING NUMBER 1 SENADOR NA – Napakasuwerteng misis din ni Mariel Padilla.


Mantakin n'yo, naging Number 1 senador ng Pilipinas ang mister niyang si Robin Padilla, gayong pakanta-kanta lang naman ang ginawa nitong pangangampanya.


At dahil mas magaling kumanta si rapper Andrew E., ay asahan nang sa 2025 election, malamang kumandidato na rin itong senador, at baka mag-Number 1 din tulad ni Robin Padilla, abangan!


◘◘◘


SUWERTENG NANAY SI SEN. CYNTHIA VILLAR KASI MAKAKASAMA NA NIYA SA SENADO ANG ANAK NIYANG SI MARK VILLAR – Suwerteng nanay din si Sen. Cynthia Villar.


Hindi na kasi siya ang nag-iisang Villar sa Senado, dahil makakasama na niya ang anak niyang si Mark Villar na nagwagi sa nakaraang halalan.


Congrats sa pamilya Villar!


◘◘◘


SUWERTE RIN SI SEN. PIA CAYETANO KASI MAKAKASAMA NA RIN NIYA SA SENADO ANG UTOL NIYANG SI ALAN CAYETANO – Maging si Sen. Pia Cayetano ay suwerte rin, dahil nagwagi rin sa pagka-senador ang kapatid niyang si Alan Cayetano.


At dahil d'yan, hindi lang dalawang anak ni Erap ang senador, hindi lang dalawang Villar ang senador ng bansa, kasi dalawang Cayetano na rin ang senador ng Pilipinas.


Ganyan kabobo ang majority Pinoys kung pagboto sa mga kandidato ang pag-uusapan, boom!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page