top of page
TALKIES - KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE_FB Karen Davila.jpeg

Mag-utol na estudyante, sakay ng motor, sinalpok ng karo, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | November 15, 2026



Aksidente ng van at motorsiklo sa Brgy. Iniban, Ayungon, Negros Oriental - Circulated

Photo: Circulated



Patay ang magkapatid na estudyante matapos salpukin ng karo ng patay ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Iniban, Ayungon, Negros Oriental.


Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ay pumailalim umano sa van ang dalawang biktima.

Nadamay rin sa insidente ang tatlong sibilyan na naglalakad lamang sa kalsada at nagtamo ang mga ito ng mga sugat sa katawan.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na umano galing sa eskwelahan ang magkapatid na edad 22 at 16 nang mangyari ang insidente.


Mabilis umano ang takbo ng van at dahil sa lakas ng impact ng salpukan ay dead-on-the-spot ang magkapatid.


Nasa kritikal na kondisyon naman ang driver ng van.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page