top of page
Gary V. - IG.jpg

Mag-live-in partner, pinagbabaril sa loob ng bahay

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Maeng Santos @News | September 11, 2026



Nakuha sa suspek na construction worker  ang 17.5 grams ng suspected shabu na may estimated standard drug price na P119K - PNP Northern Police District

Photo: File


Malubha ang 40-anyos na babaeng barangay staff at kanyang live-in partner nang pasukin at pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek Miyerkules ng gabi sa Valenzuela City.


Ginagamot sa ospital ang mga biktimang sina si alyas Jose, 42, caretaker, sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanang pisngi habang sa leeg naman nahagip ang kanyang ka-live-in na si “Rose,” staff ng barangay.


Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento kay NPD Director P/BGen. Benliner Capili, nag-iinuman sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Mapulang Lupa ang dalawa, kasama ang mga kaibigan nang biglang pumasok ang suspek, alas-11:45 ng gabi at tinanong si “Jose” kung bakit hindi siya kasama.


Nang sabihin ni “Jose” na hindi niya alam ang sinasabi ng suspek, agad naglabas ng baril ang gunman at pinagbabaril ang mga biktima bago tumakas sakay ng motorsiklo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page