Search
  • BULGAR

Mag-ina patay nang ma-trap sa sunog sa Pagadian City

ni Lolet Abania | June 29, 2020




Natagpuang patay ang isang babae, 21 at anak na 2 taong gulang na lalaki mula sa natupok ng apoy na bahay sa isang village sa San Jose, Pagadian City.


Ayon kay Insp. Dionisio Cayudong, fire marshal ng bayan, huling nakita si Fitty Mae Paderanga at anak na si Elwood na humihingi ng tulong mula sa bintana ng kanilang bahay na mayroong grills, dahilan para hindi makalabas ang mag-ina habang nasusunog ang bahay.


Sa report ng pulisya, pag-aari ng isang Manolo Quinones ang naturang bahay. Mabilis na naka-evacuate ang mga residente nang mangyari ang sunog maliban kina Paderanga at anak nito na natrap sa loob.


Ayon pa kay Cayudong, si Paderanga ay anak ng kasambahay ng pamilya Quinones at kasama ring nakatira doon ang ina. Inaalam na ng mga imbestigador ang dahilan ng sunog.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.