top of page

Mag-iisang buwan nang hiwalay… Mag-ex, swak para sa isa’t isa kaya sure na magkakabalikan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 19, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | December 19, 2023


Dear Maestro,


May ex-boyfriend ako at halos mag-iisang buwan na rin kaming hiwalay.


Nalulungkot ako ngayon, bukod kasi sa malapit na ang Pasko, mahal ko pa rin siya. 


Hindi na siya nagti-text o tumatawag sa akin. Kapag tinitingnan ko naman ang status niya sa Facebook, parang wala lang sa kanya ang nangyari, bihira rin kasi talaga siyang mag-Facebook. Mahirap pala ‘pag nakasanayan mong lagi kayong magkasama at magkausap, tapos bigla-bigla na lang mawawala. 


Sa ngayon, lagi ko pa rin siyang naiisip. Minsan, naiiyak ako pero hindi ko na lang pinapahalata sa amin na may problema ako sa lablayp. Magkakabalikan pa kaya kami o baka may iba na siyang ipinalit sa akin? 


Ang birthday ko ay July 18, 2005 habang November 3, 2001 naman ang birthday ng ex-boyfriend ko.

 

Umaasa,

Crystel ng Concepcion, Lumban, Laguna

 

Dear Crystel,


Sayang, malapit na pa naman ang Pasko, magiging zero kaya ang love life mo o muling iinit at mabubuo ang inyong relasyon? Kapansin-pansing nagkataong compatible naman ang zodiac sign mong Cancer at Scorpio naman ang boyfriend mo. Kung saan, ang Cancer at Scorpio ay kapwa pinaghaharian ng elementong tubig o water, kung kaya’t walang duda, tugma at compatible kayo ng ex-boyfriend mo.


Bukod sa compatible kayo, ayon sa Western Astrology, tunay ngang tugma at compatible rin ang birth date mong 18 o 9 (ang 18 ay 1+8=9) at birth date ng boyfriend mo na 3 na lalong nagpatibay ng pag-aanalisang maaaring magkabalikan pa kayo, dahil ang birth date na 9 at 3, tulad ng nasabi na ay sadyang tugma at suwetung-suweto para sa isa’t isa.


Ibig sabihin, Crystel, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa na hindi mo na siya makakapiling pa, at baka nagninilay-nilay lang siya sa sitwasyong naganap sa inyong relasyon.


Habang ayon sa iyong Love Calendar, tiyak ang magaganap sa kasalukuyang buwan, bago sumapit ang Pasko, pinakamatagal na sa Bagong Taon, babalik na ang boyfriend mo, upang buuin at lalo pang painitin ang nanlalamig n’yong pagmamahalan at sa sandaling kayo ay magkabalikan, tiyak na ang magaganap, kayo na rin ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page