top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Mag-dyowang Libra… Compatible sa astro-numerology, kaya surebol na magkakatuluyan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2023
  • 1 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | August 24, 2023



Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo upang alamin kung swak ba kami ng aking boyfriend, matagal ko na ring hinihintay at pinapangarap na ikasal kami.


Maestro, sa palagay mo ba kailan kaya magaganap ang pagsasama namin sa iisang bubong upang bumuo ng isang masaya at panghabambuhay na pagpapamilya?


Sa ngayon kasi, ginagawa na namin ang mga ginagawa ng mag-asawa. Ang kulang na nga lang sa amin ay ang ikasal at magsama sa iisang bubong.


Ang birthday ko ay October 2, 1993 habang September 25, 1992 naman ang boyfriend ko.

Umaasa,

Ms. Libra ng Zaragoza, Nueva Ecija

Dear Ms. Libra,


Swak kayo ng kasalukuyan mong boyfriend, dahil kapwa kayo under sa zodiac sign na Libra na pinaghaharian ng elementong air o hangin.


Samantala, sa aspetong Numerology, ang birth date mong 2 at 25 o 7 (2+5=7) naman sa boyfriend mo, ay sadya ring tugma at compatible para sa isa’t isa, dahil ang 2 at 7 ay kapwa “weak number”, at kapwa rin kayo naiimpluwensyahan ng water element at planetang Moon.


Ayon sa nabanggit na mga datos, maraming isinilang sa petsang 2, 11, 20, at 29, ang kanilang nakakatuluyan ay silang mga isinilang sa petsang 7, 16 at 25.


At dahil tugma kayo sa numerology at astrology, walang duda, kayo na nga ang nakatakda na magsama habambuhay at posibleng mangyayari ang kinasasabikan n’yong pagsasama at pagpapakasal sa susunod na taong 2024 sa edad mong 31 at 32 naman ang boyfriend mo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page