top of page

Mag-dyowang Aquarius at Leo, sure na magkakatuluyan dahil super-compatible

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 20, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 20, 2021



Dear Maestro,


Compatible ba ang Aquarius at Leo? Marami na kasi akong nakarelasyon, pero palaging nauuwi sa wala. February 3, 1994 ang birthday ko at ang bagong karelasyon ko na hopefully ay siya na ang makasama ko habambuhay ay isinilang noong August 13, 1993. Sa social media kami nagkakilala, pero nagkita na kami at naging maayos naman ang lahat.


Sabi pa niya, two years na siyang hiwalay sa ex-live in partner niya at ngayon, may bago nang ka-live in ‘yung babae kaya malaya na raw siya. Okey naman ang pagde-date namin at parang magaan ang loob namin sa isa’t isa. Maestro, sa palagay mo, magtatagal ba ang relasyon naming ito at siya na ang itinakda sa akin ng kapalaran na makasama ko habambuhay?


Umaasa,

Ms. Aquarius ng Caniogan, Calumpit, Bulacan


Dear Ms. Aquarius,


Ayon sa Oriental Astrology, tunay ngang ka-compatible mo ang Leo dahil siya ang tinatawag na “opposite attracts” mo, kung saan ang Aquarius ay air type sign habang ang Leo naman ay fire type sign. Sa aktuwal na pangyayari, air ang nagpapalakas ng siklab at alab ng mahinang apoy, kaya naman complementary compatible na matatawag ang relasyong Aquarius at Leo.


Dagdag pa rito, ang birth date na 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4) ng lalaking tinutukoy mo ay siya rin namang numero ng zodiac sign mong Aquarius dahil ang Aquarius na under sa planetang Uranus ay may katumbas na numerong 4.


Kaya sa pisikal na diskripsiyon at mga gawain, kung may pagka-weird at kakaiba ang kanyang trabaho, ang nature ng kanyang propesyon o background ng kanyang pamilya at sa personal naman niyang buhay, kapag tila hindi siya naliligo at parang laging aburido ang porma ng pagmumukha, ito nga ay mga palatandaang siya na ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran.


Mapapansin mong kaya naging ganyan ang resulta ng iyong “Astro-Numero-relationship chart analysis”, sapagkat kung matatandaan mo, noon ay malimit mong makahiwalay ang mga normal o pangkaraniwang lalaki dahil hindi sila ang ka-compatible mo at nakatakda sa iyong kapalaran. Bagkus, tulad ng nasabi na, ang nakatakda talaga sa iyo ay lalaking may kakaiba sa kanyang pagkatao, propesyon o background ng kanyang pamilya.


Samantala, ayon sa iyong Love Calendar, umikot man nang umikot sa kabiguan at pakikipaghiwalay at pakikipagkasundo sa iyong karanasan sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon, sa panahong itinakda ng kapalaran, mapapanatag din ang lahat. Sa paghinto ng roleta ng kapalaran, makasusumpong ka ng tunay at pangmatagalang karelasyon na nakatakdang mangyari ngayong 2021 sa edad mong 27 pataas, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng unique na pagkatao o kakaibang istilo ang kanyang personalidad at ang lalaking makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya ay nagtataglay ng zodiac sign na Leo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page