top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mag-BFF noon... PAINTING NI TITA CORY NA BIGAY NI KRIS KAY AI AI, FOR SALE NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2020
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 23, 2020




Kinumpirma ni Ai Ai delas Alas na ang bigay na painting sa kanya ni Kris Aquino ay for auction na. Ito 'yung painting ng larawan ng ina ni Kris na si the late President Cory Aquino. Ibinigay ito ni Kris kay AiAi nu'ng time na solid pa silang magkaibigan.


Ngayon, ang nasabing painting ay naka-auction daw sa Leon Gallery sa Makati.


Sabi ng Kapuso TV host, ang painting na may titulong Please Help Me ay hindi na niya pag-aari kundi nasa pangangalaga na raw ng kanyang kaibigan na si Bert. Ibinigay daw niya ang nasabing painting kay Bert nu'ng time na lumipat sila sa bagong bahay nila sa Kyusi.


Aniya, "Ibinigay ko kay Bert ang painting three years ago. 'Yun ang time na nagbawas ako ng mga gamit dahil lumipat ako sa bagong bahay ko sa Quezon City."


Sinabi rin ni Ai Ai na in-inform siya ng kaibigan tungkol sa auction.


Ang apo raw ng kaibigan ang nagdala sa Leon Gallery at ang mapagbebentahan ay itutulong sa mga nabiktima ng mga bagyo na nagdaan kamakailan.


Sina Ai Ai at Kris ay matalik na magkaibigan noon. Nagkaroon ng lamat ang kanilang friendship nang hindi nakadalaw ang Queen of All Media sa wake ng ina ng Comedy Queen. Instead ay nagpadala lang ng flowers si Krissy.


Dahil doon ay nagdamdam ang komedyana. Muli naman silang nagkaayos nu'ng kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, pero hindi na naibalik ang kanilang closeness.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page