top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mag-asawang retired na sa pagtuturo, taong 2028 yayaman ng bongga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2023
  • 1 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | July 20, 2023



Dear Maestro,


Dati kaming guro ng mister ko at pareho rin kaming umabot sa retirement age kaya retired na kami sa pagtuturo. May malaking halaga kaming makukuha, kaya nais kong itanong kung anong negosyo ba ang angkop sa aming mag-asawa.


July 14, 1962 ang birthday ko habang January 5, 1961 naman ang mister ko.

Umaasa,

Josefina ng Graceville, SJDM, Bulacan

Dear Josefina,


Ayon sa zodiac sign mong Cancer at Capricorn naman si mister, ganundin sa birth date na 5 ni mister at sa birth date mo na nagkataong 5 din (dahil ang 14 ay 1+4=5) ang pinakamapalad na negosyo ay mga kalakal na may kaugnayan sa bungang kahoy at prutas, gayundin sa butil, tulad ng bigas, mais, palay, munggo, kape, soy beans, at iba pang uri nito.


Sa nasabing produkto o kalakal kayo aasenso. Dagdag dito, puwede mo ring subukan ang mga produktong pagkain at grocery sa poblacion o sa public market.


Mapalad namang gamitin sa inyong negosyo ang kulay berde, pula at iba pang matitingkad na kulay, upang mas mabilis na lumago ang inyong kalakalan.


Dapat ding kayong pumili ng mga tinderang magaganda, matataba o medyo chubby at palangiti, upang magtuluy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran sa negosyong inyong itatayo.


Kapag nasimulan mo na ang negosyong nabanggit na maaaring simulan sa taon ding ito, o kaya’y sa susunod na taong 2024 sa buwan ng Setyembre, Oktubre, Nobyembre o kaya’y Disyembre, tiyak ang magaganap mula ngayon lilipas ang tatlo hanggang apat na taon pa, sa taong 2028 hanggang 2029, ayon sa iyong Business Calendar humigit kumulang sa edad n’yong 66 pataas, mayamang-mayaman na kayo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page