top of page
WINNER - VINCENT, NASA ‘PINAS PA RIN, PARENTS, ‘DI NA KAYANG BUMIYAHE PA-SPAIN-FB Circulat

Mag-asawang gusto nang makabuo… Ngayong taong mabibiyayaan ng isang malusog at matalinong sanggol

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 15, 2023
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | August 15, 2023



Dear Maestro,


Ang isasangguni ko sa inyo ay tungkol sa problema namin ng aking asawa, magkaka-baby na sana kami noong nakaraang taong ang kaso nakunan ang misis ko.


Mula noon ay hindi na muli siyang nabuntis. Nais kong malaman Maestro, kung kailan kaya kami muling bibiyayaan ng isang supling? At ano ba ang dapat namin gawin para makabuo?


Ang birthday ko ay Agosto 10, 1989 habang Abril 13, 1988 naman ang misis ko.


Umaasa,

Arnel ng Daang Bago, Dinalupihan, Bataan


Dear Arnel,


Tunay ngang compatible kayo ng misis mo, dahil ang zodiac sign mong Leo at Aries naman ang misis mo ay kapwang nagtataglay ng elementong apoy.


Habang nagkataon din ang birth date mong 10 o 1 (ang 10 at 1+0=1) at ang 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4) naman ang birthday ng misis mo ay sadyang tugma sa iyo, dahil kapwa kayong nagtataglay ng planetang Sun-Uranus, kung saan, sister planet o magkapatid na planeta, dahil sa init ang inyong elemento at ang birth date n'yong 1 at 4 ay may kaugnayan din sa araw, mas mainam na gumawa kayo ng baby sa tag-araw, upang malaki ang tsansa na kayo ay makabuo.


Mas maganda rin kung imbis na sa gabi, mas mainam sa tanghaling tapat kayo gumawa ng baby.


Sa ganyang paraan, tulad ng nasabi na, malaki ang tsansa na kayo ay makabuo at malaki rin ang tsansa na mas magiging malusog ang mabubuo n'yong sanggol.


Bukod sa nasabing mga mungkahi sa itaas, mas mainam din kung itatapat ang inyong pagtatalik sa panahon ng Full Moon, New Moon o First Quarter.


Ibig sabihin, sa paglaki ng buwan mo malalaman kung kailan magaganap ang nasabing mga “phases of moon”, sinasabi ring para madali kayong magkaanak, lagi kayong magdisplay sa ibabaw ng inyong lamesa ng mga prutas na maraming buto, at makakabuti ring regular kayong kumain ng mga atis, bayabas, prutas na granada, pakwan at marami pang iba.


Iminumungkahi ring lihim kayong magbigay sa mga batang pulubi o kaya'y sa mga nangangalaga ng abandon babies o sa mga bahay ampunan. Sa ganitong paraan, darating din ang panahong mapapansin ng langit ang kabutihang ginagawa n'yo upang ipagkakaloob sa inyo ang matatalino at mababait na mga supling.


Maghanap ka rin ng kakilala n'yo na “pala-anakin” 'yun bang anak nang anak, at mahipo lang ni mister ay buntis na agad. Maghanap ka ng ganyang tao, tapos, ilibre mo siya ng pagkain at lagi mong pasabayin si misis na kumain, kahit na isang beses, isang linggo o dalawang beses sa isang buwan, pero kung may kaya naman ang nasabing babae na pala-anakin at kaibigan n'yo siya kahit na kumbidahin mo na lang siya sa inyong tahanan para lagi siyang makasabay ni misis sa pagkain. Sa ganyang paraan, malilipat kay misis ang kapalaran ng pala-anaking babae – magugulat ka dahil bigla na lang mabubuntis ang iyong misis!


Mas mainam ding gumamit ng kulay pula sa inyong silid. Tulad ng kumot, unan at ilaw.


Sa ganyang paraan, mas magiging malusog ang inyong mga semilya at punlay. Kapag malusog ang punlay mas madali kayong makakabuo ng baby.


Samantala, kusa namang iigting ang mabuting kapalaran mula sa ika-19 ng Nobyembre hanggang sa ika-28 ng Enero, mula sa ika-19 ng Marso hanggang ika-28 ng Abril at mula sa ika-19 ng Hulyo hanggang sa ika-31 ng Agosto.


Habang ayon sa inyong Children Calendar sa sandaling sinunod n'yo ang mga simpleng rekomendasyong nabanggit sa itaas, sa taong kasalukuyan sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre, sa wakas, mabubuntis na muli ang iyong misis, makalipas ang siyam na buwan, isang malusog, maganda at matalinong babaeng sanggol ang isisilang at lalo pang magbibigay tibay at ligaya sa inyong pagmamahalan.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page