Mag-asawa, pinagbabaril ng 4 sa loob ng bahay

by Mai Ancheta @News | September 30, 2026

Photo: Circulated / FB
Patay ang isang 39-anyos na ginang habang kritikal ang kanyang mister matapos silang pagbabarilin ng apat na lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Laguinding, Esperanza, Sultan Kudarat nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima sa mga alyas na “Rhona” at “Ryan,” na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Sa paunang imbestigasyon, dumating ang mga suspek sakay ng isang sasakyan at pinagbabaril ang mag-asawa bago tumakas. Iniulat ng mga kapitbahay ang insidente sa mga awtoridad matapos makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.
Patuloy ang imbestigasyon upang maaresto ang mga suspek at matukoy ang motibo sa krimen.





Comments