Madlang pipol, ' wag na umasang magiging P20/kg ang bigas
- BULGAR
- Mar 18, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 18, 2023
‘WAG NANG UMASA NA MAGIGING P20/KG ANG BIGAS DAHIL IMBES NA BUMABA, TUMATAAS PA ANG PRESYO—Tumaas nang P4 kada kilo ang bigas sa Pilipinas.
Dahil d’yan, hindi na dapat pang umasa ang mamamayan na matutupad ang ipinangako ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na malapit nang maging P20 ang kilo ng bigas sa bansa dahil imbes na bumaba ay tumataas pa, period!
◘◘◘
SABLAY ANG ADVISE KAY P-BBM NA I-PROMISE ULIT NA MAGIGING P20/KG ANG BIGAS DAHIL NA-BASH NA NAMAN SIYA— Kung sinuman ang adviser ni P-BBM na nagpayo sa kanya na isapubliko na malapit nang maging P20 kada kilo ng bigas, sablay ang advise na ‘yan.
Limot na kasi ng mamamayan ang pramis ni P-BBM na gagawin niyang P20 per kilo ang bigas, tapos ipinaalala niya ito sa taumbayan. At dahil ipinaalala pa ang hindi matupad-tupad na pangakong P20 per kilo ng bigas, pinutakte na naman ng pamba-bash sa social media si P-BBM. Boom!
◘◘◘
‘DILA NI ROBIN’ NADULAS, CHACHA NIYA AY PANG-LONG TERM PALA NG PRESIDENTE AT MGA PULITIKO—Madalas sabihin ni Sen. Robin Padilla na ang isinusulong niyang Charter-Change (Chacha) ay para lang baguhin ang ilang economic provisions na nakapaloob sa 1987 Constitution. Pero sa pulong-balitaan kamakalawa sa Senado, nadulas ang dila ng Senador nang sabihin niya na kung noon pa ay nabago na ang mga nilalaman ng Saligang Batas, sana raw, si ex-P-Duterte pa rin ang presidente ngayon.
At dahil d’yan, lumabas ang tunay na pakay ni Sen. Robin sa Chacha, at ito ay ang mapahaba ang termino ng presidente at iba pang pulitiko sa bansa, period!
◘◘◘
DAHIL TAPOS NANG MAGPA-EPAL ANG MGA SEN AT CONG., NAGPIYESTA NA NAMAN ANG MGA AGRI-SMUGGLER—Natapos ang pang-e-epal ng mga senador at kongresista sa mga agri-smugglers sa bansa nang wala man lang silang inirekomendang sampahan ng kaso, dakpin at ikulong.
Dahil d’yan, nagpipiyesta na naman ang mga agri-smugglers na sina ‘Leah Cruz,’ ‘Michael Yang,’ ‘David Bangayan,’ ‘Paul Teves,’ ‘Manuel Tan,’ ‘Andrew Chang,’ ‘Jun Diamante,’ ‘Lujene Ang,’ ‘Beverly Peres,’ ‘Lucio Lim’ alyas ‘Aaron’ at ‘Michael Ma’ na may koneksyon kay Martin Araneta na utol ni First Lady Liza Araneta-Marcos. Boom!





Comments