Search
  • BULGAR

Madlang pipol, shocked! RYZA, NALALAGAS ANG BUHOK, GUPIT-LALAKI NA

ni Rohn Romulo - @Run Wild | June 26, 2020




Ginupit na ni Ryza Cenon ang kanyang mahabang buhok kaya short hair na siya ngayon na parang gupit-lalaki kaya ikinagulat ng mga netizens.


Nakaranas pala kasi si Ryza ng severe hair fall kaya need niyang ipagupit nang maigsi para muling kumapal.


Sa kanyang IG post, “Short hair, don’t care. #hairproblem #severehairfall Thank you @lancelot_rage for saving my hair.”


Halos positibo ang lahat ng comments sa new look niya nang mag-post si Ryza ng, "No need mag-faceapp."


Comment ni Angelica Panganiban, "Akala ko naka-face app ka."

Ilan nga sa mga comments, “Ang ganda ni Ryza.”

"Akala ko si LMH (Lee Min Ho) sa unang pic, pogi."


May nagsabi rin na bukod kay LMH, kahawig din ni Ryza si Paulo Avelino na ama ng anak ni LJ Reyes na nag-comment naman ng, "Pogi ng gf ko!!!"


Gandang-ganda rin si Eula Valdez kay Ryza, habang humanga naman sina Yam Concepcion at Yayo Aguila.


Sey naman ni Mel Kimura, "Ang payat mo, 'nak! Ang ganda mo! I like the hair @iamryzacenon stay safe! God bless!" na sinagot ni Ryza ng, "@melkimura sa anggulo lang po 'yan 'Nay. Thank you po. Stay safe rin."

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.