Madir, tinawag na hudas… UTOL KUMANTA, PIA IDINAWIT SA MARIJUANA
- BULGAR

- Oct 13, 2020
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 13, 2020

Shocking ang mga pinakawalang pahayag ng nakababatang kapatid ni Pia Wurtzbach na si Sarah sa kanyang Instagram Stories nu'ng Linggo.
Base sa mga salitang ginamit ni Sarah, sobrang tindi ang galit na nararamdaman niya kay Pia at sa kanilang ina para tawagin niyang sinungaling ang kapatid na beauty queen at 'hudas' naman daw ang kanilang mommy.
Hindi idinetalye ni Sarah ang ugat ng matindi niyang galit kay Pia pero kung iintindihing mabuti, sangkot dito ang pera at may panunumbat siya sa diumano'y masamang ugali ng kapatid kapag nagpapahiram ito ng pera sa kanya.
May mga sinabi rin siyang abusado ang kanyang mommy at si Pia at gusto niyang magpakumbaba at mag-sorry sa kanya ang kapatid.
Nabanggit din niyang dinadamayan niya si Pia kapag inaaway nito ang BF na si Jeremy Jauncey, pero kapag siya raw ang may kailangan sa kapatid ay wala itong panahon sa kanya.
Pero ang medyo naalarma ang ilang netizens ay nang sabihin ni Sarah na "Pareho kayo ni Mama, abusado sa sistema. Wala kayong pakielam kundi sarili nyo.
"Tapos laging idadamay si Charlie. WALA NAMAN SYA SA USAPAN. Gusto nyo iwan ko kasi walang pera? See? Pera pera pera. Tapos nagweeweed palagi? Eh teka... @piawurtzbach"
Ang Charlie na tinutukoy ni Sarah ay ang kanyang asawa na ayon sa kanya, gusto ng kanyang ina at kapatid na iwan niya dahil walang pera.
Ang tanong lang ng ilang netizens, gaano kaya katotoo ang sinabi ni Sarah na iniuugnay din si Pia sa paggamit ng 'weed' o mas kilala bilang marijuana?
O, puwede rin namang ang ibig sabihin ni Sarah ay pinagbibintangan ng mag-ina ang kanyang asawa na gumagamit ng 'weed', 'di ba?
So, ano kaya ang totoo rito? Sana'y mabigyan ng linaw ni Pia dahil hindi naman ang away nilang magkapatid ang totoong issue — dahil pampamilyang problema na nila 'yun — kundi ang usapin sa paggamit ng 'marijuana' kung totoo nga ang mga sinabi ni Sarah.
Bukas ang aming pahayagan anumang oras para sa paglilinaw ni Pia Wurtzbach.





Comments