top of page
Search
  • BULGAR

Madir, nag-swimsuit, pinuri ng madlang pipol…

KC, AYAW MATALBUGAN NI SHARON, TODO-TUWAD MAPAG-USAPAN LANG

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 16, 2021




Nawindang naman kami sa bagong Instagram post ni KC Concepcion kahapon kung saan buong-ningning na nagpa-picture ang panganay ni Megastar Sharon Cuneta nang nakatuwad o pormang pang-"teach me how to doggie" ang datingan habang nasa yate.


In fairness, ang hot naman talaga ni KC. Pero para sa amin at sa ilang netizens din, hindi magandang tingnan ang naturang pose ng aktres, dahil para bang nang-iimbita siya ng… ehemmm… alam n'yo na!


Kung 'di nga namin nakita ang magandang mukha ni KC, baka isipin naming international porn star ang nag-pose ng ganu'n, ha?


Hindi tuloy maiwasang may ilang nag-comment sa IG post ni KC na parang "tuluyan na raw nagwala ang aktres" dahil palaisipan sa ilang nakakita ang motibo niya sa pagpapalitrato sa ganu'ng posisyon.


Pero parang dedma lang naman si KC sa ilang 'nega comments' at proud naman sa kanyang sexy pose, dahil mas marami ang pumuri at nagsabing ang hot niya. 'Yun lang, 'yung iba, may kasama nang pagpapantasya sa aktres.


Samantala, hindi naman tuloy maiwasang ikonek ng iba na baka may kinalaman ang naturang 'to the max' na pagtuwad ni KC sa naunang sexy pose ng kanyang Mama Sharon kung saan pinuri ng mga netizens ang Megastar dahil ang sexy na nito ngayon nang mag-swimsuit.


Feeling ng iba, 'nag-level-up' ang pose ni KC at mas daring na ngayon dahil ayaw niyang magpatalbog sa trending pose ng kanyang mudra.


Naku po! Eh, di wait na lang natin kung kaya rin bang tapatan o tatapatan din ba ng Megastar ang 'teach me how to doggie' pose ni KC!


 

DANILO, KAYA NANG MABUHAY KAHIT DI MAG-SHOWBIZ DAHIL SUPER RICH NA





Nakakabilib naman ang dating dancer-actor na si Danilo Barrios.


Hindi na masyadong active ngayon si Danilo sa TV at movies pero alam n'yo bang very successful pala ang itinayo nilang negosyo ng kanyang misis na si Regz Suqueno 12 years ago?


Yes, sinuwerte talaga ang mag-asawa sa kanilang itinatag na kumpanyang Tatiomax Pharma Corp. na ngayon ay ang dami nang resellers at namamayagpag na rin sa market.


In fact, last December 18, nag-celebrate ang Tatiomax Pharma Corp. ng kanilang 12th anniversary at bilang month-long celebration, nagkaroon sila ng promotion and discount advertisements for their avid customers, na ang parte ng sales ay ido-donate sa mga biktima ng Cagayan typhoon.


Bukod diyan, nagbigay din ng mga papremyo na ipina-raffle via Facebook live, at kasama diyan ang Php 100,000 worth of Tatio Active Dx Products, Php 100,000 and Php 50,000 worth of My Precious Diamond Ring, Php 50,000 Hugo OL Shoppe and Ysa Beauty Cosmetics, etc.


Hosted by Joric Pecson and guested of Social Media Personalities, Rackie Felicidario and Inah Evans at 206 Photography Studio, Quezon City, the Facebook live was excitedly joined by online people for the anticipated announcement of the lucky winners for the great prizes with a total worth of Php 500,000 of cash and packages.


Anyway, ang mga brands na kasama sa Tatiomax Pharma Corp. ay Tatio Active Dx, Hugo Online Shoppe, Ysa Beauty, and My Precious One.


Kaya naman kahit hindi tumanggap ng mga projects sa showbiz si Danilo, kering-keri nilang buhayin ng kanyang wifey ang tatlong cute na cute nilang chikiting.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page