top of page
Search
BULGAR

Madir, ‘di na ma-take ang pagtrato ng in-laws

ni Sis. Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig | June 5, 2024



Kuwento ng Buhay at Pag-Ibig

Dear Sister Isabel,


Magandang araw sa inyo riyan sa BULGAR. Ang isasangguni ko sa inyo ay tungkol sa aking in-laws, ang hirap pala talagang makisama ‘no?


Ang tinutukoy ko ay ang magulang ng asawa ko. Akala ko magiging masaya kami ng anak ko na maka-bonding sila, pero konsumisyon pala.



Bawat kilos namin ay napupuna, maski sa pagluluto ng pagkain, dapat daw ay isama silang lahat. Eh maliit lang ang budget namin dahil maliit lang naman ang pinapadala ng asawa kong nasa abroad. Kung tutuusin, kulang na kulang iyon sa pag-aaral ng mga bata at panggastos namin. 


Napilitan kami ng mga anak ko na magbakasyon muna rito sa in-laws ko dahil bakasyon din ng mga bata.


Gusto ng asawa ko maka-bonding ng mga anak namin ang in-laws ko. Hirap na hirap talaga ako kung paano pakikisamahan ang in-laws ko. 


Doon ko na-realize na sobrang hirap pala talaga makisama, balak ko na sanang umuwi sa bahay namin. May sarili naman kaminb bahay sa Batangas habang sa

Laguna naman nakatira ang in-laws ko. Hindi ko naman maikuwento sa asawa ko na nahihirapan akong pakisamahan ang magulang niya. Kaya sinarili at kinikimkim ko na lang ang konsumisyong nararanasan ko.


Tama bang umuwi na kami ng mga anak ko sa sarili naming bahay? Hindi ko na kasi kaya ang ugali at pagtrato nila sa akin. Hihintayin ko ang payo n’yo.


Nagpapasalamat,

Dolor ng Batangas


 

Sa iyo, Dolor,


Lawakan mo pa ang pang-unawa mo, maging broad minded ka at matutong makisama sa ibang tao lalo na sa in-laws mo.


Kung hindi mo na talaga kaya ang ugali at pagtrato nila, tama lang na bumalik kayo sa sarili n’yong bahay kaysa mamatay ka sa konsumisyon dahil sa hindi magandang pagtrato nila sa iyo. 


Gaano na ba kayo katagal d’yan? Kung 2 weeks na kayo riyan, sapat na ‘yun upang maka-bonding ng mga anak mo ang mga kamag-anak nila. 


Huwag ka rin magpakita ng attitude sa kanila, pakisamahan mo pa rin sila, dahil ganyan talaga ang buhay.


Ang taong marunong magtiis at makisama  ay ginagantimpalaan ng langit.


Huwag kang mag-alala dahil nakatingin sa iyo ang  Diyos. May gantimpala kang makukuha kapag nalampasan mo ang pagsubok na iyan sa buhay mo.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo



File Photo

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page