top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Nov. 25, 2024



Iskul Scoop

Sa panahon ngayon, hindi lang notebook at ballpen ang kailangan nating dalhin mga Ka-Iskulmates, kailangan na rin nating magdala ng cyber armor. Curious pa rin ba kayo kung bakit? Dahil ang internet ay parang isang malaking unibersidad na may mga iba’t ibang klasrum, library at siyempre may bully at magnanakaw din!


Kaya bago ka pa maging target ng hacker, scammer, o kung sinuman na gustong guluhin ang iyong online life, dapat alam mo kung paano protektahan ang iyong sarili. Halina't alamin natin!



1. ‘WAG GUMAWA NG MADALING PASSWORD. Kung ang iyong password ay parang sagot sa tanong ng recitation na pinilit mo lang sagutin, oras na para magbago. Gawin itong mala-code sa Math, ‘yun bang mahirap intindihin! Gumamit ng kombinasyon ng malalaki at maliliit na letter, numbers, at symbols. 

Halimbawa: L0v3MyC4t@2024 (Hindi man totoo, pero ang hirap hulaan, 'di ba?).

2. THINK BEFORE YOU CLICK. Bago mag-click ng kung anu-ano'ng link, magtanong muna, "Legit ba 'to o scam?" 

Ang mga hacker ay parang mga prof na nagpapasa ng trick questions—akala mo simple lang, pero may hidden agenda. Kung ang link ay parang nagkakamali sa spelling o mukhang sketchy, huwag nang buksan.

3. MAG-INGAT SA LIBRENG WI-FI. Sino ba ang hindi natutuwa sa libreng Wi-Fi? Pero tandaan, kung libre, baka may kapalit! Huwag gamitin ang libreng Wi-Fi sa pagpapadala ng importanteng impormasyon tulad ng password o bank details. Kung hindi maiiwasan, gumamit ng VPN. Para kang naglagay ng invisibility cloak sa iyong data.

6. MAGKAROON NG BACKUP PLAN. Laging mag-save ng importanteng files sa isang secure na cloud storage o external drive. Ang buhay estudyante ay puno ng deadlines, kaya hindi mo gugustuhing mawala ang iyong thesis dahil lang sa ransomware attack. Tandaan, Ctrl+S is your best friend!

7. ‘WAG MAGTIWALA SA STRANGER MESSAGES. Kung may nag-chat na “Hello, you won $1,000,000!”, malamang scam 'yan (sorry na lang). Ang tanging "jackpot" na matatanggap mo rito ay stress. I-report ang mga ganitong messages at huwag nang patulan.

8. GUMAMIT NG STRONG PRIVACY SETTINGS. I-double-check ang iyong mga privacy settings sa social media at apps. Piliin ang “friends only” sa mga post at huwag basta-basta magpa-follow back sa hindi kilala. Ang pag-protect sa iyong digital life ay parang pag-protect sa diary mo—personal ito at hindi para sa lahat.

9. GAWING SACRED ANG SCHOOL EMAIL. Huwag gamitin ang iyong school email para mag-sign up sa mga random websites. I-reserve ito para sa mga academic-related na gawain. Kung sakaling ma-hack ang ibang accounts mo, at least ligtas ang iyong school email.

10. EDUCATE YOURSELF. Hindi mo kailangang maging IT expert, pero dapat alam mo ang basic cybersecurity tips. 


Parang pag-aaral ng bagong subject lang—kapag na-master mo ang basics, magiging safe ka online. May libreng resources sa YouTube at mga websites tulad ng CyberSafe.ph.


Remember Iskulmate, sa mundo ng internet, hindi lang grades ang kailangan mong i-maintain—pati ang iyong cybersecurity. Isipin mo na lang na bawat click ay parang pagkuha ng exam, kailangang sigurado at hindi bara-bara. Ang mga hacker at scammer ay laging naghahanap ng "shortcut," kaya ikaw, huwag magpahuli!


Ang pagiging ligtas online ay parang pagiging handa sa klase—may diskarte, may tanong, at laging handa sa anumang mangyayari. 


Lagi ring tandaan na sa internet, ang tunay na matalino ay hindi lang magaling mag-search, kundi magaling ding umiwas sa kapahamakan. 

Keep slaying, safe surfing, and happy studying, Iskulmate!


Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan.

So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.

 
 

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Nov. 14, 2024



Iskul Scoop

Gahol ka na rin ba sa mga nag-uumapaw na assignment at hindi mo na alam kung paano ka magsisimula? 


Saan nga ba talaga tayo puwedeng kumuha ng tamang impormasyon na hindi magpapagulo sa ating utak?



Sa dami ng puwede nating mapagkukunang impormasyon ngayon, mula sa classic na mga libro hanggang sa nakakawindang na social media feeds, medyo nakakalito na kung alin ang reliable. 


Kaya ngayon, alamin natin ang iba’t ibang source na makakatulong sa atin. Let’s go, Iskulmates!  

  1. GOOGLE. Kapag may tanong at confuse ka sa isang bagay, for sure na dumederetso ka agad kay Google, hindi ba? Pero paano nga ba dapat ito gamitin?

Tip: Huwag agad i-click ang unang link na makikita, bagkus maghanap muna ng mga website na mapagkakatiwalaan, tulad ng mga .edu at .gov.

Reminder, “Google knows a lot, but it doesn't always know what's right!”

  1. LIBRARY. Hindi luma ang library; marami itong lihim na kayamanang impormasyon.

Bukod sa libro, may mga journal at archive rito na hindi mo basta-basta makikita online.

Tip: Magtanong sa librarian, dahil siya ang tunay na “search engine” ng library. Mas mainam na magtanong kesa na masayang pa ang inyong oras sa paghahanap. Oki?

Reminder,“Kapag libro ang ginamit mo, parang nakatanggap ka na rin ng 100 bonus points sa reliability ng info mo!”

  1. YOUTUBE AT EDUCATION VLOGS. Yes, pati YouTube ay puwede na ring pagkuhanan ng learning materials.

May mga channels na sobrang informative, educational, at madaling intindihin. Pero ‘di lahat ng makikita rito ay tama, kaya mag-ingat sa pinipili, Iskulmates!

Tip: Hanapin ang mga channel na may professional background sa topic. Oki?

Reminder, “If they say it with confidence, it doesn’t always mean it’s accurate!”

  1. ONLINE ACADEMIC DATABASES. Kung hirap ka na mag-research, agad na tumakbo sa mga database tulad ng Google Scholar, JSTOR, o ScienceDirect. Marami kang makikitang research papers at mga pagsusuring gawa ng mga professional.

Tip: Mag-log in sa library account mo para maka-access ka nang libre. Minsan kasi, kailangan pa ng subscription para sa mga ganitong sources.

Reminder, “Kung gusto mo ng legit na reference, hindi ka matutulungan ni Mr. Wikipedia. Kaya tumakbo ka na sa JSTOR o Scholar!” Oki?

  1. DICTIONARY AT ENCYCLOPEDIA. Old-school man pakinggan, pero classic talaga sila sa pagbibigay ng foundation ng knowledge sa mga topic.

Tip: Huwag matakot magtanong kay “Oxford” o kay “Britannica.” Dahil sila ang tunay na MVP pagdating sa mga accurate definition at background.Reminder, “Hindi porke luma ay out-of-date na, minsan ang classic ang key para sa tamang impormasyon.”

  1. SOCIAL MEDIA AT ONLINE FORUMS. Maraming current events at real-life perspectives ang makikita mo sa Facebook, Reddit, o Twitter, lalo na kung opinion o recent trends ang topic mo. Pero delikado rin dahil minsan masyadong opinionated at hindi based on facts.

Tip: I-double check ang sources ng mga impormasyon at maghanap ka na rin fact-check article.

Reminder, “Trust but verify! Baka fake news na pala ‘yun.”

  1. SURVEY AT INTERVIEW. Bakit hindi mo subukan gumawa ng sarili mong survey o interview? 


Kapag ikaw mismo ang nagtanong sa mga tao, nakasisiguro ka sa source ng info mo.

Tip: Maghanda ng maayos na questionnaire para malinaw ang makukuha mong data. Pumili rin ng mga tao na may alam sa iyong topic.

Reminder, “Ang pinaka-accurate ay ang impormasyong ikaw mismo ang nakakuha!”


At iyan ang ilan sa power sources na puwedeng pagkuhanan ng impormasyon para sa iyong assignment! Remember Iskulmate, sa paghahanap ng tamang impormasyon, kailangan ng tiyaga, konting creativity, at siyempre, tamang pagsala ng source. 


Huwag matakot magtanong, at higit sa lahat, huwag magmadali. 


Anuman ang gamitin mong source, ‘wag kalimutang i-cite! Bawat impormasyon ay kailangan mong i-acknowledge kung kanino galing, para walang plagiarism drama. Gets??


Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na maghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan. 


So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.

 
 

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Nov. 11, 2024



Iskul Scoop

DEADLINE rito, deadline doon. Ganyan din ba ang kasalukuyang nararanasan n’yo? Nakaka-stress ‘no? ‘Yung halos hindi na kayo magkandaugaga sa kaka-file ng iba’t ibang project.


Kaya naman, let’s be real, — sa dami ng school requirements, deadlines, sino ba ang hindi makakaramdam ng stress? 



Kaya narito  na ang ultimate survival guide para sa mga estudyanteng gusto nang magkaroon ng peace of mind. Ready na ba kayo? Let’s go!


1. THE POWER OF “ME TIME.” Walang masama sa pagiging busy, pero huwag nating kalimutan ang ating sarili. 

Maglaan kahit 10 to 15 minutes a day para sa “me time,” — mapa-Netflix man ‘yan o quick scroll sa favorite TikTok creators mo. A little break goes a long way sa pagkakaroon ng mental reset. Tandaan, you’re not a machine! Oki?


2. POWER NAPS! Kung iniisip mong dagdag-stress ang pagtulog, nagkakamali ka! Kailangan mo rin ng power naps kahit na 10-20 minutes lang, para naman makapagpahinga rin kahit saglit ang iyong utak. It’s scientifically proven na nakakatulong ito sa memorya at focus.


At once na na-feel mong nasa zombie stage ka na, isama mo na si "pillow" sa study break mo.


3. TAMANG PLAYLIST. Playlist is life, Iskulmates! Kung hindi ka na makapag-focus, puwede ka namang maghanap ng music na magpapabuhay sa natutulog mong diwa. Huwag kang mag-alala, dahil meron namang Lofi Beats para sa chill study mode at hype music. Remember, music heals the brain at ‘wag ka, dahil nakakatanggal din ito ng bad vibes. 


4. THE “CHILL” FRIENDS CLUB. Importante ang supportive friends, lalo na kung pareho kayo ng subjects at level ng stress. 

Pero kung toxic na ang napag-uusapan n’yo at puro na lang kayo reklamo, iba na ang magiging epekto niyan sa inyo. Kaya humanap ng positive na study group na supportive at hindi dagdag-pressure sa’yo. Ika nga, “Choose people who bring out the best in you.” 


5. MASTER THE ART OF TIME BLOCKING. Kung mahilig ka sa procrastination, subukan mo ang time blocking technique. 

Gumawa ng schedule, hatiin ang oras sa pag-aaral, pagpapahinga, at konting fun break. This way, hindi ka masyadong mao-overwhelm at mas madali mo pang maa-achieve ang goals mo bawat araw.


6. FOOD IS BRAIN FUEL. Mahilig ka bang kumain ng junk food tuwing nai-stress ka? Well, mas okey kung balanced meals ang kakainin mo tulad ng protein, fruits, at gulay. The healthier your diet, the sharper your mind! 


7. EXERCISE. Oo, alam namin mahirap gumalaw lalo na kung stressed, pero ang simpleng paglalakad o pag-stretch ay malaking tulong na. 

Puwede kang maglakad-lakad sa labas o kahit sa bahay lang, basta make sure na magsi-circulate ang dugo. Kahit 5-10 minutes lang, game na!


8. TAKE IT EASY ON SOCIAL MEDIA. Ang social media ay minsan nakakadagdag lang ng “comparison stress,” — lalo na kapag nakikita mo ‘yung classmates mong mukhang chill na chill pero honor student. So, practice social media detox paminsan-minsan. Iwas-toxic, iwas-stress, dahil ikaw lang ang kalaban mo rito!


9. ‘WAG MAG-HESITATE MAGTANONG. If confused ka na sa subject or project, ‘wag mahiyang magtanong. 

Mas mainam na linawin na ngayon kesa na mawala pa ang sanity mo kaka-analyze. Professors appreciate questions, at kung stress-free ka, may bonus and additional points for effort pa ‘yan!


10. PRACTICE MINDFULNESS: LIVE IN THE PRESENT. Minsan, kapag masyado tayong stress, nakakalimutan na natin ang present. Subukang mag-meditate o kahit simpleng deep breathing exercises lang. Kapag sinabing “inhale peace, exhale stress,” totoo ‘yan. ‘Di mo kailangan ng fancy yoga, just take it one breath at a time.


11. CELEBRATE SMALL WINS. Hindi kailangan straight A’s para i-celebrate ang efforts mo! 


Natapos mo na ba ang isang term paper? Na-submit mo ang project ng walang tulog? Then, give yourself a reward! Life is short to stress over things; enjoy each little achievement, kasi kasama ‘yan sa success journey mo!


12. ACCEPTANCE. Last but not the least, tanggapin na may limitations ka. You don’t have to be perfect to succeed. Ang mahalaga ay natuto ka at nakapag-enjoy ka kahit na maraming ups and downs. 


Stress is normal, pero hindi dapat ikaw ang magdala ng stress, — kalma lang!

So there you have it, mga Iskulmates. Stress is inevitable, but with these tips, mas madali nang maging chill at kaya mo pang ma-survive ang bawat school day. Remember, kalma, kapit, and just enjoy the ride! Oki??


Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan. 


So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page