Mabusising imbestigasyon sa pagbili ng depektibong tren ng LRT-1, dapat lang!
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 21, 2023
ICC PROSECUTOR, DESIDIDONG IPAKULONG SI EX-P-DUTERTE—Hiniling ni International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan sa ICC-Appeals Chamber na i-reject ang hirit ng Philippine government na suspendihin ang imbestigasyon sa naganap na extra judicial killings (EJK) sa Pilipinas sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Digong Duterte.
Ang kahilingan na ‘yan ni Khan ay indikasyon na desidido talaga ang ICC Prosecutor na ipakulong si ex-P-Duterte sa kasong crimes against humanity na naganap sa ‘Pinas, period!
◘◘◘
IMBES PAMBU-BULLY NG CHINA SA ‘PINAS ANG KONDENAHIN NG KONGRESO, ANG KINONDENA ICC—Gumawa ng resolusyon ang mga pro-administration congressmen na kumukondena sa ICC kaugnay sa imbestigasyon nito sa EJK sa panahon ng Duterte administration.
Imbes na ang kondenahin ng mga cong. ay ang patuloy na pambu-bully ng China sa Pilipinas, eh, ang kinokondena ay ang ICC na ang hangad lang naman ay mabigyan ng hustisya ang libo-libong maralitang Pinoy na biktima ng EJK sa bloody drug war ng nakaraang administrasyon. Tsk!
◘◘◘
DAPAT SA DAGDAG-ISKUL AT KLASRUM ANG TUTUKAN NI DEPED SEC. SARA AT HINDI ANG PALIT-WORD SA PANATANG MAKABAYAN—Inaprubahan ni Vice President at Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio na palitan ng word na ‘Nananalangin’ ang salitang ‘nagdarasal’ sa Panatang Makabayan.
Hay naku, imbes na tutukan ni VP at DepEd Sec. Sara kung paano madaragdagan ang mga eskuwelahan at classrooms sa bansa, eh, ang inaatupag ay palitan ang word ng Panatang Makabayan. Pwe!
◘◘◘
MGA ‘TAO’ NI EX-P-DUTERTE SA PS-DBM, SANGKOT DIN KAYA SA PAGBILI NG 80 DEPEKTIBONG TRAIN NG LRT-1?—Sa imbestigasyon ng Senado, nabulgar na ang 80 tren ng LRT-1 na binili ng administrasyong Duterte na binadyetan ng P12 billion, ay hindi magamit dahil lahat ng mga ito ay depektibo.
Dapat laliman pa ng Senado ang imbestigasyon dahil baka may kinalaman na naman d’yan ang mga dating tauhan ni ex-P-Duterte sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) na nasangkot sa multi-billion peso scam sa pagbili ng mga overprice na face masks, face shields at laptops. Boom!





Comments