top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Mabuhay ang kalayaan, mabuhay ang Pilipinas

BULGAR
Jun 12, 2022
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 12, 2022


Isang mainit na pagbati sa ating lahat sa ika-124 anibersaryo ng ating kalayaan!


Mahigit 100-taon na ang lumipas mula nang tayo ay tumindig at ipinaglaban ang ating mga karapatan.


Ngayon, tayo ay nahaharap sa mga hamon, lalo na sa ekonomiya, na susubok sa ating kakatagan bilang isang bansa.


Ngunit tayo ay nananalig na magiging tapat at nagkakaisa tayo sa ilalim ng ating bandila at Konstitusyon upang buong loob na harapin ang mga pagsubok na ito.


Nawa’y huwag nating sayangin ang mga sakripisyo ng ating mga ninuno at hayaang magkawatak-watak ang ating bansa.


Sa tulong at gabay ng Maykapal, umaasa tayong patuloy na mamamayagpag at magtatagumpay tungo sa mas maunlad, mapayapa at progresibong Pilipinas.


Mabuhay ang kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay tayong lahat!


☻☻☻


Bagama’t unti-unting niluluwagan ang mga paghihigpit na isinasagawa sa ating bansa dahil sa COVID pandemic, naniniwala ang inyong lingkod na hindi pa panahon upang tanggalin ang state of public health emergency ng Pilipinas.


Patuloy pa tayong nakadidiskubre ng subvariants ng Omicron COVID-19 variant, lalo pa at may ilang nagkasakit nito na wala namang record na umalis ng bansa.


Ayon pa sa health department, maaapektuhan din ng pag-aalis ng state of emergency ang ibinigay na emergency use authorization (EUA) sa mga bakuna at iba pang gamot na ginagamit laban sa COVID-19.


Ang mungkahi ng inyong lingkod ay pabilisin pang lalo ang pagbabakuna habang patuloy na sinusunod at ipinatutupad ang minimum public health standards.

Ito ay upang mapanatili natin o kaya’y umangat pa tayo sa COVID-19 Recovery Index ng Nikkei Asia, na kung saan ay nasa ika-33 na puwesto tayo mula sa 57th place noong Nobyembre 2021.


Ito rin ay upang maiwasan natin ang muling pagbulusok ng bilang ng mga kaso, lalo ngayong maraming lugar sa ating bansa ang nasa Alert Level 1 o ang pinakamaluwag na estado.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page