Mabubuking na sinisiraan ng bff at babala na mahihiwalay sa dyowa
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 10, 2023
Dear Maestro,
Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil nagandahan ako sa mga tinatalakay mo hinggil sa mga numero at pampasuwerte.
Gusto ko ring malaman ang aming masuwerteng kulay, araw at batong hiyas na hahatak ng magandang kapalaran para sa aming pamilya. Dati akong nag-abroad, pero isang taon lang ako ru’n at hindi ako pinalad. Habang ang mister ko naman ay family driver.
Sana ay mabigyan n’yo kami ng mga paraan kung paano kami yayaman at uunlad para sa kinabukasan ng aming dalawang anak. July2, 1987 ang birthday ko, habang September 8, 1982 naman ang mister ko.
Umaasa,
Carmie ng Tabing Ilog, Tanay, Rizal
Dear Carmie,
Ayon sa iyong mga datos, ikaw ay nagtataglay ng zodiac sign na Cancer sa birth date na 2 at destiny number na 7 (7+2+1987=1996/ 19+96=115/ 11+5=16/ 1+6=7), habang ang mister mo naman ay Virgo na may birth date na 8 at destiny number na 1 (9+8+1982=1999/ 19+99=118/ 11+8=19/ 1+9=10/ 1+0=1).
Ano ngayon ang ibig sabihin ng mga numerong nabanggit? “Weak” ang birth date mong 2, habang strong naman ang birth date na 8 ni mister. Ibig sabihin, uunlad at sasagana ang inyong buhay kung si mister naman ang tututok sa paghahanapbuhay.
Halimbawa, imbes na ikaw ang mag-abroad, si mister ang dapat mangibang-bansa o imbes na ikaw lang ang nag-iisip ng paraan kung paano kayo uunlad, kailangang si mister ay ganundin – siya naman ang dapat mag-isip at magsikap.
Sa eksaktong salita, kailangang mas maging “eager” ang mister mo na makaahon sa kahirapan.
‘Ika nga, dapat ay gigil o may passion si mister na yumaman dahil kung ikaw lang ang nagsisikap, kung hindi naman nagsisikap si mister ay wala ring mangyayari sa inyong pamilya.
Hindi rin puwedeng patas o pareho ng degree o sigasig ng pagsisikap ang ibigay n’yong dalawa.
Sa halip, ang kailangang-kailangan na mas maging masigasig sa iyo si mister. Sapagkat nasa mga numero at kapalaran niya nakasalalay ang inyong pag-unlad at pagyaman.
Oo, wala sa iyo, Carmie. Sapagkat tulad ng mga nakaraang pangyayari na nakapag-abroad ka nga, pero isang taon lang, parang wala ring nangyari. Subalit kung si mister naman ang magmamando o hahawak ng manubela ng iyong buhay at kabuhayan, mas madali kayong uunlad at sasagana ang inyong kabuhayan.
Mapalad naman ang kulay na berde at dilaw sa inyong mag-asawa. ‘Yan na lang ang palagi n’yong gamiting kulay upang magtuloy-tuloy ang pasok ng suwerte at magandang kapalaran, habang buwenas naman ang araw ng Linggo, Lunes at Sabado.
Ang batong moonstone o agate ang hiyas na hahatak ng suwerte at magtataboy ng kamalasan. Para kay mister, ang batong sapphire o jade ang mapalad na hiyas kung ipalalamuti sa silver o pilak na singsing.
At muli, palagi mong tatandaan na wala sa mga kamay at pagsisikap mo ang susi upang magtagumpay ang inyong pamilya. Bagkus, nasa mga kamay at pagsisikap ng iyong mister ang susi upang marating n’yo ang matagumpay at asensadong pamumuhay.
Kaya ngayon pa lang, wala kang dapat gawin kundi “i-build-up” ang pagkatao ng iyong asawa. Sa sandaling buo na ang tiwala niya sa kanyang sarili, saka lamang uusbong at magsisimulang maganap ang malaon n’yong pangarap na umunlad ang kabuhayan hanggang sa tuluyan na kayong yumaman na magsisimulang mangyari sa taong 2025 at sa edad mong 38, habang 43 naman si mister.




Comments