top of page

Mabenta hanggang abroad… SEXBOMB, MAS DUMAMI ANG SHOWS DAHIL KAY ALVIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 23 hours ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | February 20, 2026



Sexbomb Get Get Rawnd - Rochelle Pangilinan

Photo: Rochelle Pangilinan



O, hayan na, kahit ang mga big superstars gaya nina Vice Ganda at Dingdong Dantes ay tila hindi na rin nakatiis mag-react sa sinasabing very outrageous at self-righteous remarks o stance ni Alvin Aragon.


Marami tuloy ang napapa-“Da who?” sa name ng dating StarStruck star na kinalampag ang showbiz dahil ‘sinabayan’ nito ang bagong fame ng Sexbomb Girls.


Ang balita nga namin, kung dati-rati ay sa Australia at Dubai lang napabalitang may nagkainteres na ipag-produce ng shows ang grupo, aba’y nabuhay na rin daw ang interes ng USA, Canada at iba pang lugar na ngayo’y muling nakakilala sa Sexbomb. 


At yes, may tsika ring posibleng maimbita ang mga ‘anak’ ng mga miyembro ng grupo gaya ni Sofia Trazona para makibahagi sa show.


Hmmm… May dapat kaya silang ipagpasalamat sa ingay na nalikha ng mga pahayag ni Alvin? 


Magdarasal kaya uli sila para makasali na si Sexbomb Izzy Trazona? 

O ‘di ba, kahit nga raw si Sexbomb Jopay Paguia ay napabalitang kumonsulta muna sa mga pastor na kaibigan bago siya bumalik at sumama uli sa grupo?

Gimik o what, sure na may mga kumita…



NASA Top 10 pa rin hanggang ngayon ang Everybody Knows Juan (EK) sa Netflix.

Ito ang first directorial movie ni Alessandra de Rossi, na isa rin sa mga bida kasama ang mga award-winning actors na sina Joel Torre, Gina Alajar, Edu Manzano, Ronnie Lazaro, Ruby Ruiz, Angeli Bayani, JM de Guzman at Kelvin Miranda.


Napanood na namin ito at wala ka talagang itulak-kabigin sa performances ng mga naturang bida. 


Kahit nga ang mga nag-cameo rito na sina Jaime Fabregas, Empoy Marquez, Jerald Napoles at Kim Molina ay nag-shine rin sa kanilang mga roles. 


Although voice lang ni Liza Lorena ang maririnig, iba rin ang angas nito sa kabuuan ng movie.


Pero ang hahangaan mo talaga ay si Kelvin bilang hardinero ng pamilya. Hindi mo makikita ang tension o pressure niya sa mga kaeksenang puro de-kalibre. Napakagaling din!


‘Arrived’ na talaga ang GMA Sparkle artist. Must-watch ang nasabing pelikula dahil very relatable ang story, all cast superb ang acting skills, and yes, Kelvin here is such a revelation.


Samantala, abangan gabi-gabi si Kelvin Miranda bilang Adamus sa Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) sa GMA Prime.



Sharon at Bea, matapos iurong ang demanda…

CRISTY, ABSUWELTO SA KASO VS. DOMINIC



NA-ACQUIT si ‘Nay Cristy Fermin sa kasong cyber libel na isinampa laban sa kanya ni Dominic Roque noong 2024.


Batay sa inilabas na desisyon ng Office of the City Prosecutor of Pasig City noong February 18, si Presiding Judge Manuel Gerard C. Tomacruz ay nagsabing walang sapat na basehan at hindi na-establish beyond a reasonable doubt ang veracity ng subject statements na ginawa ni ‘Nay Cristy. Ni hindi rin napatunayang ang mga ito ay false o made with reckless disregard.


Sey ni ‘Nay Cristy, “Maraming salamat lang ang puwede kong ibalik sa matinding suporta, tiwala at pagmamahal. Awa ng Diyos, tapos na. Wala na, tapos na lahat. Maraming salamat sa walang kuwestiyong tiwala, suporta at pagmamahal.”


Ito na ang ikalawang tagumpay ni ‘Nay Cristy ngayong 2026 sa mga kasong kinaharap niya. 


Nauna na riyan ang pag-urong ng kaso ni Bea Alonzo at ito ngang pagka-acquit niya sa kasong isinampa ni Dominic Roque.


Noong nakaraang taon, ang kasong isinampa nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan ay iniurong din.

Mabuhay po!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page