top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Maayos na land transportation, ‘wag puro pramis!

BULGAR
Jul 6, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | July 6, 2022


Isa ang sektor ng transportasyon sa may pinakamalaking problema sa bansa ngayong mataas ang presyo ng petrolyo.


Higit na apektado ang mga komyuter dahil inaabot ng ilang oras sa pila bago sila makasakay, sumunod naman ang mga tsuper na paliit nang paliit ang kita dahil sa non-stop oil price hike.


Ang ending, nakakaltasan ‘pag nale-late sa trabaho, habang bawas naman ang kita ng mga drayber dahil napupunta sa petrolyo ang kinita.


Kaugnay nito, ang unang hakbang ng bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTr) na si Jaime Bautista ay ang makipagpulong sa mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang matugunan ang reklamo ng mga komyuter at iba pang isyu sa land transportation.


Sa kabilang banda, hiling ng mga tsuper sa bagong administrasyon, huwag kalimutan ang kanilang sitwasyon dahil sila ang pinakaapektado ngayong mataas ang presyo ng petrolyo. Gayundin, ayaw na umano nilang balikan ang nakaraan kung saan kinailangan nilang mamalimos sa kalsada para maitawid ang hirap ng buhay.


Samantala, naninindigan si Secretary Bautista na hindi katanggap-tanggap ang sitwasyon ng mga komyuter, kaya’t hindi dapat manatili ang ganitong sitwasyon.


Sa pakikipag-ugnayan sa LTFRB, pag-uusapan aniya ang ilang programa ng nakaraang administrasyon, kasama ang pamamahagi ng ayuda at libreng sakay.


Batid nating kitang-kita na ang mga problema sa sektor ng transportasyon, kaya sana, hindi puro pramis lang ang paghahanap ng solusyon.


Isa pa, umaasa tayong hindi matetengga ang mga problemang ito dahil hindi na dapat maghirap ang mga ordinaryong mamamayan.


Higit sa lahat, panahon na para gawing de-kalidad ang serbisyo ng transportasyon sa bansa.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page